ni EDDIE LITTLEFIELD
HINDI naging madali para kay Robin Padilla bago niya natapos ang pelikulang Sa Ngayon ng Ama, Ina, At Mga Anak, an action packed family drama with the Padilla clan—Daniel, Kylie, Bela, at Mariel Rodriguez sa direksiyon ni Jon Villarin ng RCP Production at ng Star Cinema.
Pinabulaanan ni Robin’ yung issue na lilipat daw siya ng ibang network. Katunayan, may nilulutong bagong show sa Kapamilya Network ang action superstar.
“Nandito na ako.Noong huling kausap ko kay Ma’am Malou (Santos), sabi niya, sabihin ko lang daw ‘yung working hours ko. ‘Yun din naman ang hinihiling ko. ‘Yung working hours dahil hindi na naman ako bata. Hindi na ako dapat pinagtatrabaho ng 24 hours.
“At saka, nag-usap din kami kung anong show ang gusto ko, naiintindihan naman nila ako. Sabi ko, gusto ko naman tatay ang role ko. Ayaw ko na ng rom-com (romance comedy), tapos na ako roon. Sa akin, action drama pero kung mga bata ang bida, tatay na lang ako kasi maigsi ang oras ng trabaho. Hindi naman kasi tumataas ‘yung suweldo, na lumalakas ako,” natatawang pahayag ni Robin.
Ayon pa kay Binoe, naging maayos ang pag-uusap nila ni Malou Santos sa pagpo-produce ng sarili niyang show sa Kapamilya Network at pelikula. ”Marami na kaming pag-uusap ng Star Cinema tungkol doon
Kasi ako, ‘yun ang aking hinihintay. ‘Yung bibigyan nila ako ng freedom, ganitong set-up.”
Sa ngayon, ayaw muna ni Robin na pagtrabahuhin si Mariel. Katwiran nito, ”Seloso kasi ako. ‘Yung titingnan ng iba, hindi ko kaya ‘yun. Gusto ko siya bilang host uli pero hindi pa ngayon. Gusto ko ‘yung
Gandang Umaga, na kapag natapos na uwi na siya. ‘Yung dmakita lang ‘yung ibang side niya. Sa ngayon hindi pa ako handa na magkaroon siya ng show. Kawawa naman ‘yung leading man, hindi magiging effective, ‘di ba ?”
Napag-usapan din ang naudlot na pagpapakasal nina Robin at Mariel sa Vatican. May possibility pa kaya na matuloy ang church wedding ng dalawa?
Paliwanag niya, ”Matagal na naming pangarap ‘yun. Si Mariel siguro ang makapagsasabi sa akin kung muling manunummbalik ‘yung kanyang pagsimba. Kasi nagkaroon kami ng idea na pakasal kami. Una, sa kanyangpamilya, pangarap ng babae ‘yun, ‘di ba? At higit sa lahat naniniwala siya roon sa kanyang religion (Catholic). Pero after kasi noong nanggaling kami sa Vatican, na-shake ‘yung kanyang faith. Hindi ninyo maiintindihan kung bakit hindi kami naikasal, nandoon na kami. Handa na kami, nandoon na nga ‘yung pari sa harap namin. Siguro kapag nanumbalik ‘yung kanyang pagsimba, tuloy na ang kasal.
“At kapag nakita ko uli na naniniwala siya uli roon, bakit ang hindi ?
Bakit kasi kayo magpapakasal kung hindi kayo naniniwala?”
Hindi kaya gusto ni Mariel na magpa-convert siya sa ibang religion?
“Hindi kosasamantalahin, pangit ‘yun. In Islam,walang pilitan. Sa ngayon, naniniwala siyang may Diyos, okay na sa akin ‘yun. Mahal niya ang kapwa niya, tumutulongsiya, okay na muna ‘yun.”
Pangarap naman ni Robin na maipasok sa PMA ang bunsong anak niyang si Ali.”Pangarapko ‘yun, palalakihin ko siya ng militar. Pero siyempre, pagdating niya sa tamang edad, kung ano gusto niya susuportahan ko siya. ‘Yan ang papel ng magulang, i-train mo ang mga anak mo. Kapag nai-train mo na at gustong kumalassa ‘yo at least nai-train mo na. Kasi, kapag matanda na, hindi mo na kailangan magpaalala. May sariling utak na ‘yan,” wika pa ni Robin.