ni Pilar Mateo
PATI naman kami bilib na bilib at gulat na gulat sa patuloy na mga panggulat na inihahatid ng tandem na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang mga taga-subaybay sa Got to Believe gabi-gabi.
Noong saglit silang paghiwalayin ng tadhana sa istorya, aba nilagnat din ang buong bayan, ha!
Kaya naman sa sorpresang inihatid nila kamakailan, mabibingi ka naman talaga sa tilian ng TV viewers ng dalawa sa #G2BSoClose episode ng palabas nila sa ABS-CBN na biglang natulala at nahumaling si Joaquin (Daniel) sa ganda ni Chichay (Kathryn) na mistulang nagkaroon ng ‘magical moment’ habang naghihilamos ng mukha.
Bukod sa pagiging no. 1 worldwide trending topic sa Twitter, namayagpag din sa TV ratings ang episode na umere noong Martes (Pebrero 4) na nagtampok ng nakakikilig na reunion ng ng mga bidang karakter matapos dalawang taong pagkakawalay dahil sa aksidenteng naganap kay Joaquin. Base sa datos mula sa Kantar Media, humataw ng 30.8% % national TV rating ang Got To Believe o halos 17 puntos na kalamangan kompara sa katapat nitong serye sa GMA na Carmela na nakakuha lang ng 14.3%.
Samantala, lalong mapapatutok ang buong sambayanan sa mas nakae-excite na love story nina Joaquin at Chichay lalo na ngayong muli silang pinaglalapit ng tadhana. Magagamot ba ng pag-ibig ang amnesia ni Joaquin o makagagawa pa rin ng paraan si Juliana (Carmina Villaroel) para maikubli ang katotohanan sa anak?
Huwag magpahuli at huwag palampasin ang susunod na panggulat ng Got To Believe, in the nights to come.
Sam at Sheryl, magpapakilig
IT’S the love month na kaya pangkilig at pang-kiliti na ang tema ng mga hatid na programa ng Kapamilya sa mga manonood.
At sa MMK (Maalaala Mo Kaya) sa Sabado, Pebrero 8, pang-kilig na at pangiliti rin kung isang Sam Concepcion ang matutunghayan sa espesyal na Valentine’s story tungkol sa isang fan ni Sheryl Cruz na si Tirso, na gagampanan nga ni Sam.
Pangarap nga niya na kamukha ng idolo niya ang makatuluyan dahil para sa kanya ‘yun ang sukatan ng kanyang ideal girl.
Pero sa rami na ng inirereto at inilalapit sa kanya, umabot na siya sa puntong nilalayasan na lang ang mga nangingialam sa buhay niya.
Interesting ang kuwento ng buhay pag-ibig ni Tirso, ha!
Abangan pa ang mga hatid na eksena ni direk Nuel Naval.
Tatakas pa rin ba palayo si Tirso kung katapat na niya ang kasing ganda ng kanyang idolo?
Also in the cast are Ynna Asistio, Malou Crisologo, Noel Colet, CJ Navato, Giselle Sanchez, at William Lorenzo.
Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head na si Malou Santos, production manager Roda Dela Cerna, at executive producers Lindsay Dizon, Fe Catherine San Pablo, at Niña Laureano.
Cherie, balik-entablado via Full Gallop
PERO sa mahusay na aktres na si Cherie Gil, pass na raw siya sa mga affairs of the heart, lalo na’t padating na ang Araw ng mga Puso.
Kahit naman daw hiwalay na sila ng world-renowned violinist na mister niyang si Roni Rogoff, solido pa rin naman ang values nila bilang isang pamilya para sa kanilang mga anak.
Kaya every now and then, Cherie flies to New York to visit them.
Pero kapag nasa bansa inaabala ang sarili with the teleseryes na kasama siya and every once in a while naman nakakasalang pa rin sa entablado.
Winner naman si Cherie sa mga karakter na binubuhay nito sa entablado gaya ni Maria Callas.
Pero sa sumunod na offer sa kanya, medyo natakot ito na tanggapin agad ang pagganap sa buhay ng fashion doyenne na si Diana Vreeland. At hindi naman nag-give up sa paghihintay ang direktor na si Bart Guingona. At simula sa March 14, sa RCBC Plaza in Makati-mapapanood na ang Full Gallop tungkol sa buhay ng Pranses na kolumnista ng Harper’s Bazaar at naging editor ng Vogue Magazine in the 50s.
Ang eksena ni Cherie eh sa mga sandaling pina-fire out na ng kanyang Boss si Ms. Vreeland.
Ang magkakaroon din ng malaking challenge rito sa kanyang special appearance na boses niya lang ang maririnig eh, amg kaibigan ni Cherie na si G Tongi-in her French lines.
Nagpo-produce na rin si Cherie ng pelikula (gaya ng naipalabas ng Sonata sa Cinemalaya) at ito namang play na Full Gallop sa ilalim ng kanyang MOM (My Own ManN) Productions.
Kapag sinabi nating denims-tha’s Diana Vreeland. And more!