Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen, nagpapakontrobersiyal

PARANG kailan lang ay very vocal si Ellen Adarna sa pakikisimpatiya niya kay Vhong Navarro sa ginawa ng grupo ni Cedric Lee noong Enero 22 sa condo unit na pansamantalang tinutuluyan ni Deniece Cornejo sa The Fort.

Pero noong muling tanungin ang starlet sa launching ng Monster Energy Drink kung kilala niya si Cedric Lee ay biglang nagsabi ng, “no comment” kaya’t hinala ng lahat ay magkakilala ang dalawa.

Kaya na-bad trip ang ilang entertainment press kay Ellen dahil feeling nila ay nagpapa-kontrobersiyal ang hitad lalo’t may bago siyang programa sa ABS-CBN na Moon of Desire kasama si Meg Imperial na kapalit ng Galema: Anak ni Zuma.

Anyway, ang nasabing starlet ang kinuhang pampremyo ng Monster Energy Drink na makaka-date ng mananalo para sa Japan trip para sa meet and greet ng rally driver na si Ken Block.

Maganda ang marketing strategy ng Monster Energy Drink dahil hindi lang basta-basta prizes ang ipinamimigay nila kundi VIP access sa iba’t ibang concerts at events abroad lang naman at once in a lifetime chance to meet rock stars and athletes ang kaya nilang i-offer.

At sa mga gustong sumali ay madali lang ang promo dahil sa bawat pagbili mo ng Monster Energy Drink ay may chance manalo o i-text ang OR number/ Store location sa 2600 at sundin lang ang instructions na ipadadala sa ’yo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …