Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Death scene ni Agot sa isang serye, turn-off

ni  Vir Gonzales

NAKATE-TURN-OFF ang eksenang binaril ng harapan ni ex senator Freddie Webb si Agot Isidro sa isang tagpo sa serye. May mga bata pa kasing nanonood ng ganoong oras at napakabrutal makitang may babarilin ng harapan.

May mga nagtatanong kung paanong nakalusot iyon sa MTRCB lalo’t isa pang babae ang nabaril?

May mga nagsabing hindi sila favor sa ganoong kabrutal na eksenang mapapanood sa telebisyon.

Imagine, sa halagang ilang pirasong pera ay nasuhulan ni Roi Vinzon ni Freddie? Nagmukha tuloy police patola ang naturang inutusan, sabi pa ng mga nakausap namin.

Edna Luna, pinaka-magandang Dyesebel

MALAPIT nang muling mapanood ang pamosong obra ni maestro Mars Ravelo, angDyesebel sa ABS-CBN na pagbibidahan ni Anne Curtis!

Para sa amin, ang pinakamagandang Dyesebel ay ang original na si Edna Luna. Hindi pa uso ang retoke noong araw na nagpapaputi ng balat. Pero mukha talaga siyang sirena, mahinhin at inosente.

Siokoy naman ang role ni Sam Milby na magkakagusto kay Anne pero mai-in-love kay Gerard Anderson. Timing ang role rito ni Gerard dahil matagal-tagal din siyang hindi napapanood sa magandang teleserye.

Maya bird, pinakawalan ni Amanda noong Chinese New Year!

MGA Maya bird pala ‘yung nakakulong sa cage na binili ng aktres na si Amanda Amores noong Chinese New Year. Chinese kasi ang loving husband  ni Amanda si Sto. Domingo Quezon City Barangay Chairman Richard Yu. Chinese tradition pala na pakakawalan ang mga ibon na nasa cage na pawang binili nila. Sign of freedom at prosperity at pampaswerte raw.

Mga bilog na pagkain, dapat red ang kulay ang nakadisplay sa house. College graduate na ang anak niyang si Michelle China Yu, na kagawad sa Sto. Domingo Q.C.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …