Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buhay ni Martin, pang-MMK

ni   Roldan Castro

MARAMING rebelasyon si Martin Nievera nang makatsikahan siya sa isang group interview. Puwede nang gawing libro ang buhay niya, isapelikula o kaya’y i-feature sa Maalaala Mo Kaya.

Amimado si Martin na naapektuhan dati ang career niya noong kahihiwalay pa lang nila ni Pops Fernandez. Nawalan siya ng work ng almost one year, walang raket na tumatawag at concert kaya nagpunta na lamang ng Las Vegas.

Mayroon din siyang experience na show abroad na hindi matino ang kausap sa isang venue concert. Tapos ang nanonood  lang sa kanya ay sampu, lima. Dalawa. Hanggang dumating ang time na nag-decide siyang tapusin na ang show na hindi na tinapos ang kanta habang tumutugtog ang band. Diretso siya uwi. Sa mga panahong ‘yun  nagbenta siya ng gamit, relo para maka-survive dahil down din siya that time.

Pero talented ang isang Martin Nievera kaya nakabangon naman siya at naibalik ang maganda niyang career.

Mag-asawang Yasmien at Rey, mas gustong matulog kaysa magsiping

MAGANDA ang feedback ng seryeng pinagsasamahan nina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Mark Anthony Fernandez, at Mark Herras.

“Mabait po ako rito dahil biktima po ako. Pero abangan po nila ‘yung mga gitnang part dahil may twist po ito at magiging iba ‘yung character ko,” deklara ni Yasmien.

May pasabog ba sila ni Jennylyn dito? Nagpatalbugan ba sila?

“Abangan nyo po,” aniya.

Sa kabilang banda, mas lamang si Yasmien kay Jen pagdating sa personal life, dahil happily married siya kay Rey Soldevilla, Jr. samantalang kahihiwalay lang ni Jen sa boyfriend nitong siLuis Manzano.

“Ganoon po? Pero bonggang-bongga na rin po ‘yung life niya, like ‘yung career niya and everything and I’m very happy for her. Sana nga po makahanap na po siya ng totoong lalaking magmamahal sa kanya eh. Wait siya, mag-antay siya, mag-wait siya for the right person,” aniya pa.

Hindi pa raw nila susundan ni Rey si Ayesha kahit next year.

“Hindi pa po, too soon, too soon.

“Marami akong lumang eggs, na mahirap akong magbuntis, mahirap akong buntisin. Naiipon lang siya tapos hindi siya nabubuo. Kailangan yata mag-undergo raw muna ako ng treatment bago ako mabuntis.”

Nai-enjoy pa rin naman daw nila si Ayesha. At dalawa lang daw ang gusto nilang maging anak ni Rey.

So, hindi muna sila nagsisiping ni Rey?

“Hindi, hindi masyado. Hindi nga masyado kasi nga pagod kami lagi. Kasi kami ni Rey good friends na rin kami, we’re good friends, hindi lang kami mag-asawa kundi mabuti rin kaming magkaibigan.”

Pero parte ng marriage ang sex.

“Oo part siya ng married life pero hindi naman siya ‘yung must, na kailangan everyday or every… kapagod, huh! Mahirap.

“At tsaka antukin kasi kaming dalawa. Mas gusto naming matulog.”

Pero biniro ulit siya kung wala bangs sex na naganap sa Japan nang naroon sila? Umamin naman siya na mayroon kaya nagtawanan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …