Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marc Neumann, ‘lover boy’ ni Alice

ni  Reggee Bonoan
PANALO ang exposure ng Artista Academy Teen Heartthrob na si Mark Neumann sa Studio5 Original Movies na may titulong Lady Next Door dahil siya ang lover boy ni Alice Dixson na nakilala niya sa isang beach resort.

Sa ginanap na press preview ng Studio 5 Original Movies sa Alimall Cinema 1 noong MiyerkOles ng gabi ay May-December affair ang kuwento ng Lady Next Door.

Hindi na bago ang istorya na tungkol sa binatilyong lalaki (Mark) na nagkagusto sa isang magandang babae (Alice) na halos kasing-edad ng nanay niya na may problema sa asawa.

At dahil malungkot si Alice kaya nagawang pumatol ng isang gabi kay Mark na nagayuma yata kaya hayun, walang ginawa kundi kulitin NAng kulitin hanggang makatunog ang asawang siJestoni Alarcon at nagkaroon ng gulo.

Sa pagpatol ni Alice kay Mark, pakiwari ng binatilyo ay may gusto sa kanya ang babaeng sing edad ng nanay niya kaya ipinaglalaban ang pag-ibig niya maski alam na may asawa ito.

Isa kami sa natutuwa kay Mark dahil marunong na siyang umarte kompara rati at bumagay naman sila ni Alice dahil pareho silang Inglesero’t Inglesera.

Sana pag-aralang mabuti ni Mark  ang pananalita niya ng Tagalog para hindi na siya mahirapang magsalita.

Gusto naming sumikat nang husto si Mark dahil mabait na bata, magalang at higit sa lahat marunong makatanda maski saan mo masalubong lalo na sa malls bagay na hindi natutuhan ng ibang sikat na artista ngayon.

Samantala ang Lady Next Door ay mapapanood na sa Pebrero 4, Martes mula Studio 5 Original Movies.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …