Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Jasmine, kuwelang loveteam sa The Replacement Bride

ni   Reggee Bonoan

Cute at nakatutuwa naman ang kuwento ng The Replacement Bride nina Jasmine Curtis-Smith at Daniel Matsunaga dahil halos fresh pa sa amin ang pelikulang Bride For Rent ninaKim Chiu at Xian Lim, heto at may romantic comedy serye rin ang TV5.

Kuwelang loveteam sina Daniel at Jasmine na base sa kuwento ay in-love si girl sa kanyang bestfriend na si Edgar Allan Guzman (bakit parang nag-iba na ang hitsura) na magpapakasal sa ibang babae at dahil hindi matanggap ay pumunta ng simbahan ang una at sumigaw ng, ”Itigil ang kasal!” na nagkataong sina Daniel at Arci Munoz pala ang ikinakasal.

Siyempre, naloka si Arci at iniwan si Daniel na takang-taka kasi hindi naman niya kilala si Jasmine na panay ang hingi ng dispensa sa kagagahang ginawa.

At dahil galit na galit na si Daniel kay Jasmine ay hiningi nitong ayusin silang dalawa ni Arci sa anumang paraan.

Since parating magkasama sina Daniel at Jasmine kaya nagka-developan na hindi na itinuloy ang mga susunod na eksena.  Sa madaling salita, nambitin na naman ang Replacement Bride kaya aabangan na lang namin sa Pebrero 18, Martes sa Studio 5 Original Movies.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …