Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Casts ng Bawat Sandali, walang itulak kabigin

 ni   Reggee Bonoan
Heavy drama naman ang kuwento ng Bawat Sandali nina Derek Ramsay, Angel Aquino, Yul Servo, Mylene Dizon, at Phillip Salvador dahil may love triangle ito.

Tila nahahawig ang kuwento ng Bawat Sandali sa Diabolique ni Sharon Stone noong 1996 na akala ay napatay niya ang lalaking nakatalik niya pero hindi pala.

Halos ganito rin ang nangyari kina Angel at Derek na sobrang intense ang kanilang nararamdaman sa isa’t isa pero pilit ng nakikipag-hiwalay ang aktres sa aktor dahil nga may asawa siya hanggang sa magtalo sila at mahulog sa bintana ang binata at dahil sa takot sa pag-aakalang patay na ay inilibing siya sa gubat.

Pero buhay pa pala dahil nang matagpuan ng mga pulis ay biglang gumalaw at itinakbo sa hospital, ‘yun nga lang, nagkaroon kuno ng amnesia.

Si Yul ang asawa ni Angel na may posisyon sa gobyerno at kakilala si Derek dahil naging kaklase pala noong nag-aaral pa sila.

Ang gagaling ng buong cast ng Bawat Sandali, walang itulak kaibigin kaya talagang panonoorin namin ang episode na ito sa Pebrero 25, Martes dahil ang ganda ng istorya.

Ang ganda ng apat na episodes ng Studio5 Original Movies kaya’t sana’y mapansin at mapanood ito ng marami.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …