Saturday , November 23 2024

Sino at ano-ano ang masuwerte sa Taon ng Kabayo?

HINDI lang ang mga kapatid nating Tsino ang nagdiriwang ng Lunar Chinese New Year. Tayo mang mga Pinoy ay naniniwala sa mga pamahiin at paraa ng ng pagsasaya sa araw na ito. Ang taon sa kalendaryo ng mga Intsik ay hango sa 12 klase ng hayop. At kada palit ng tao’y maraming Feng Shui expert at Psychic ang nagbibigay ng kani-kanilang pangitain na minsa’y maganda at kung minsan nama’y malungkot dahil ‘di kagandahan ito.

Sa GMA News TV lifestyle show na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado, 9:00 a.m., tungkol sa Year of the Wooden Horse ang tatalakayin ni Mader Ricky Reyes at ilang nakapanayam sa Binondo na siyang Chinatown sa Pilipinas.

Ano-ano ba ang mga pagkaing magbibigay ng good luck sa pagpasok ng unang walong araw ng Bagong Taon? Malalamang hindi lang 12 prutas na bilog ang ihahanda kundi mga prutas na kulay berde at kulay pula, mga kakaning matamis at malalagkit, buong manok na pinrito, liyempo ng baboy, hipon, isda, atbp..

Anong kulay o uri ng damit ang dapat suutin sa bisperas ng Year of the Horse? At anong klaseng mga palamuti o “charm” ang dapat isabit sa bahay para bugawin ang mga kapalpakan ng nakaraang Taon ng Dragon. Bayaan ninyong ang mga dalubhasang psychic at kilala sa  feng shui ang magsabi niyan sa pakikipanayam sa kanila ng GRR-TNT.

May interbyu si Mader sa manlililok ng kahoy na si Peter Daza. Mula raw nang gumawa ng mga kabayong estatwa at larawan si Peter ay lumago ang kabuhayan niya. Inspirasyon ng kanilang pamilya ang kabayo at naniniwala siya na lalo silang sisikad o magtatagumpay sa taong ito.

Rarampa rin si Jeric Chua na tagapagmana ng mga Chua na sumikat sa Eng Bee Tin hopya at tikoy. “Ang nagsimula nito’y ang aking mga ninuno sa isang maliit na panaderia sa Binondo. Ngayo’y marami na kaming branches lalo na nang makilala ang aking ama (Gerry Chua) bilang Mr. Ube na unang gumawa ng ubeng tikoy at hopya,” kuwento ni Jeric.

Muli tayong aakayin sa mabuting kalusugan ng mga food supplement na Organique Acai Berry. “’Di lang ito gumagamot ng iba-ibang sakit.  Suwerte rin dahil ang prutas ay kulay pula ang balat at matamis,” sabi ni Mader.

Marami pang natuklasan sa mga Tsino at Tsinoy sa Binondo ang ating beauty guru kaya tutok lang kayo sa GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision.

Mula kay Mader RR, Kung Hei Fat Choi!

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *