Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bianca, ipinahiram lang ng GMA sa TV5?

ni   James Ty III
BAGONG hamon ang naghihintay kay Bianca King sa paglipat mula  GMA patungong TV5.

Nagsimula na ang pag-ere ng bagong drama series ni Bianca, ang Obsession, na napapanood tuwing Huwebes, 8:00 p.m., pagkatapos ng Madam Chairman ni Sharon Cuneta.

Sa aming panayam kay Bianca habang nanonood siya ng laro ng basketball sa Araneta Coliseum, sinabi niyang kakaiba ang ginawa niya sa Obsession kompara sa mga dating teleseryeng ginawa niya noong nasa Siete pa.

Ang istorya ng Obsession ay tungkol sa plastic surgery na hindi pa tinatalakay sa mga soap tulad ng pagkakaroon ng relasyon ng dalawang lalaki na ginawa ng My Husband’s Lover at ang AIDS na ginawa naman ng Positive na ipinalabas din sa TV5.

“The story is about someone who is obsessed with her looks so that she can find true love,” say ni Bianca sa amin. ”You just have to watch for yourself kung paano niya makakamit ang tunay na pag-ibig.”

Bukod kay Bianca, kasama rin sa Obsession sina Marvin Agustin at Mart Escudero habang may special role si Neri Naig.

Huling teleserye ni Bianca sa GMA ang Broken Vow katambal ang dati niyang boyfriend na si Dennis Trillo.

Bago nito, naging kontrabida si Bianca kay Marian Rivera.

Samantala, klinaro ni Bianca ang kanyang estado sa GMA ngayong nasa TV5 na siya.

“I may be back sa GMA depende sa susunod kong project,” dagdag ni Bianca. ”I’m just on loan to TV5 kasi walang naibigay na bagong show ang GMA sa akin.”

Malaki ang naitulong ng dating executive ng GMA na si Wilma Galvante para gumawa ng show si Bianca sa TV5. Si Wilma ay nasa TV5 ngayon bilang COO ng Entertainment TV.

Ritz, wish na makasama si Aga

NAGPAPAHINGA ngayon si Ritz Azul pagkatapos na magwakas ang kanyang drama series na For Love or Money. Kaya may time ito para makasama ang kanyang pamilya na panoorin ang laro ng PBA sa Araneta Coliseum noong Linggo.

Naghihintay ngayon si Ritz ng bagong show mula sa TV5 kaya nang nakatsikahan ko siya sa laro ay napansin kong tumaba siya ng kaunti.

“Sana, si Aga Muhlach naman ang makasama ko sa next show,” ayon kay Ritz. ”I guested sa ‘Pinoy Explorer’ niya pero kakaiba kung regular show ang makakasama ko.”

Pinaplano ngayon ng TV5 na pagsamahin sina Aga at Derek Ramsey sa isang bagong weekly drama series ngunit wala pang kongkretong detalye ang inilalabas ng estasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …