Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin at Mariel, hubo’t hubad sa Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak

 ni  Reggee Bonoan
 
UMAPAW ang mga taong nasa Gateway Cinema 3 noong Martes ng gabi na ginanap ang premiere night ng pelikulang Sa Ngalan Ng Ama, Ina at mga Anak na pinangunahan ng pamilya Padilla na sina Robin, Mariel, Rommel, Royette, RJ, Matt, Kylie, Bela, at Daniel.

Grabe ang sangkaterbang fans ng Padilla clan, sabi nga ni Robin, “oh, nabuhay kayo?”

Oo nga naman, kailan ba ang huling action movie ni Binoe kaya naman marami ang naka-miss sa kanya sa malaking telon.

Samantala, laking gulat ng lahat ng tao sa loob ng sinehan sa eksenang hubo’t hubad ang mag-asawang Robin at Mariel.

Ang eksena kasi ay kunwa’y nagising ang aktres na wala sa tabi niya ang aktor dahil nasa bintana at may dinudungaw.

Tumayo si Mariel na nakahubad pala palapit kay Robin na nakahubad din pala kaya lahat ng tao sa sinehan ay naghiyawan.

Iyon pala ang pasabog ng Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak at hindi ang mga granada at putok ng baril, ateng Maricris.

Kaya sa cast party na ginanap sa Gloria Maris ay tinanong namin si Mariel kung may ka-dobol sila?

“Ha, ha, ha, ha, nagulat ka ‘no? Yes kami ‘yun!” napahalakhak na sabi sa amin.

Nang si Robin naman ang sumagot, “oo, kami, bakit, sexy naman ang asawa ko, ah? Sexy din naman ako? Pangit ba?”

Biniro namin ang aktor na sa tagal niya sa showbiz ay at saka siya pumayag na magkaroon ng butt exposure kasama pa si Mariel?

“Actually, ganito ‘yan, sabi kasi ni direk, mag-asawa kami, so sabi ko, anong gagawin ba? Ayoko na ng kissing scene, bed scene o yakap-yakap kasi nagawa ko na lahat ‘yan, gusto ko iba naman.

“So, sabi ni direk, sige maghubad ka, eh, sabi ko, bakit naman hindi, tutal ganoon naman talaga ako sa bahay, nakahubad talaga para kung saan abutan ng ano (ngiting pilyo) alam mo na, hindi na ‘yung magtatanggal pa. Eh, okay naman, maganda naman, ‘di ba?” natatawang sabi ni Robin.

Na-take two nga raw si Robin sa eksenang iyon dahil medyo mabilis daw ang kuha niyong una, eh, kailangan daw dahan-dahan.

Hindi boring ang pelikula mabilis naman ang pacing at interesting pala ang kuwento ng buhay ni Ongkoy na taga-Ozamis City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …