Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, nasisindak at napapaisip sa papuri ni Robin

LAGING sinasabi ni Robin Padilla na mas malawak ang popularity ni Daniel Padilla kaysa pagiging action superstar niya. Worldwide at sikat na sikat na ang pamangkin niya na kasama ngayon sa pelikulang Sa Ngalan ng Ama, ng Ina at ng mga Anak na showing sa January 29.

“Tuwing sinasabi po ‘yon ni Tito Robin, talagang nasisindak ako at lagi po akong napapaisip na, ‘Goddammit!’ Heavy!! Mabigat, a! Pero talagang pinipilit ko po at pinagtatrabahuhan. Ginagampanan ko po talaga. Ginagali­ngan ko lahat ng bagay na kailangan kong gawin sa ginagawa ko po ngayong teleserye. Kahit sinasabi na mga pa-cute- lang ako roon, eh hindi po ‘yon totoo.

“Mahirap po ‘yung ginagawa naming teleserye. Kailangan lang po na magpakilig ng mga tao. Kasi, madalas pong nasasabi sa akin na puro pa-cute lang po ‘yung ginagawa ko sa teleserye namin. Mahirap po ‘yon. Lahat po ‘yon. Pati po ‘yung mga pagkanta-kanta ko, kasali po ‘yan. Kasi syempre, everytime na magku-concert o magsu-show po ako, eh lagi nilang tinitingnan kung marami bang tao, ganyan-ganyan. Lahat po ng galaw ko ngayon, pinapansin.

“So, mahirap po ‘yung lagay na ganoon na magkamali ka lang ng kaunti, ang laking bagay. So, ginagawa ko po ‘yung best effort ko para magampanan lahat ng sinasabi sa akin ng mga tao,” deklara niya.         (ROLDAN CASTRO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …