Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hindi namin papatayin si Vhong, ipinagtanggol lang namin ang babaeng binastos niya — Cedric Lee

TRENDING sa social media ang pangalan at larawan nina Deniece Millet Cornejo at Cedric Lee pagkatapos pangalanan sila ni Vhong Navarro na may kinalaman umano sa pambubugbog sa kanya.

Agad na kinilala sa social media ang koneksiyon ng dalawa sa showbiz.

May kumalat na apo umano si Deniece ng GMA Chairman and CEO  na si Atty. Felipe Gozon pero may lumabas agad na statement na nagdi-deny na hindi niya ito kamag-anak.

Si Cedric naman ay pamilyar ang pangalan sa showbiz dahil Cedric Lee rin ang pangalan ng ama ng anak ni Vina Morales.

Mababasa rin ang allegedly Facebook Account ni Cedric na may   statement umano na hindi siya criminal, mayaman sila, at aanuhin nila ang P1-M?

Ilang parte ng statement:

“Social media  for now is hazardous so judgemental. Iisang panig lang pinakikinggan niyo makinig din kayo sa panig namin.

“Ipagtatanggol ko ang friend ko sa mga akusasyon niyo maglabasan na ng ebidensiya  kung kinakailangan.

“Hindi namin papatayin si Vhong ipinagtanggol lang namin ang babae na binastos niya. Kung kayo may babaeng kaibigan ‘pag binastos ‘di ba ipagtatanggol niyo, lumaban kasi si Vhong at binitawan kami ng mga salitang hindi ka aya-aya.”

Napakinggan na ang salaysay ni Vhong. Marami ang nakisimpatya, naiyak at nagdadasal na mabigyan ng hustisya ang sinapit niya.

Tweet nga ni Karen Davila: “Dear Vhong Navarro, hang in there. You are right, ang kasalanan mo lang ay sa girlfriend mo pero you don’t deserve this at all.”

Anyway, importante pa ring marinig ang pahayag ng mga suspect.

Mas makabubuti ngang ipaubaya na lang sa korte ang lahat.

Samantala, nagpakita ng suporta ang Showtime family ni Vhong bago nagsimula ang programa kahapon, Lunes. Dasal din nila na magpalakas  ang actor-TVhost.

Mga anak ni Vhong, nakalagak sa isang safehouse

HINDI maalis ang takot at kaba ni Vhong Navarro para sa kaligtasan ng kanyang mga anak at pamilya.

Pero ayon sa ex-wife ng actor na si Bianca Lapus, nasa isang safe house ang anak nila (Yce) kasama pa ang isang anak ng komedyante with security.

May ibang pamilya na si Bianca pero maayos ang relasyon nila ni Vhong. Buntis siya ngayon at bawal sa kanya ang ma-stress pero hindi maiwasan na mag-alala siya sa kalagayan ng dating asawa. Nagulat siya dahil mabuting tao si Vhong, walang kaaway at magaling makisama pero nabiktima pa rin ng pambubugbog.

Ang girlfriend ngayon ni Vhong ay nagtatrabaho sa isang production ng network at nasa likod ng kamera.

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …