Friday , November 22 2024

Sumpa ng My Way, tumatalab na kay Osang (Sa paghahabol ng BIR)

NATAWA na lang kami sa comment ni Boss Jerry Yap tungkol sa pag-aabang ng BIR sa pag-uwi ni Osang Fostanes para habulin ng tax sa napanalunan niyang premyo sa X Factor Israel. Ngayon boss, tiyak na mas hahabulin nila si Osang dahil nakakuha na raw iyon ng “artists visa” at makakakanta na professionally sa Israel, at posible pang magkaroon ng recording doon.

Ibig sabihin, mas malaki na ang kita niya ngayon kaysa suweldo niya bilang caregiver. Aabangan siyang lalo ng BIR.

Totoo ang comment ni boss, mukha ngang may sumpa ang kantang My Way.

Marami na talaga ang nayari sa mga sing along at videoke dahil sa pagkanta ng My Way, at ngayon si Osang na nananahimik, kinanta iyong My Way sa contest, nanalo nga siya pero hahabulin naman siya ng BIR.

Bakit iyong mga nagnakaw at nagbenta ng relief goods na para sa Yolanda victims hindi yata nila hinabol para pagbayarin ng tax? Kakosa ba?

Mga artistang ‘client’ ng droga, papangalanan na!

NAKATANGGAP kami ng text message noong isang araw mula kay John Consulta ng GMA News tungkol doon sa kanyang ginawang report para sa kanilang programang Brigada. Tungkol iyon sa sinasabing drug syndicate na nahuli kamakailan lamang sa Bonifacio Global City, na naaresto rin ang ilang Canadian nationals.

Hindi namin napanood iyon dahil nasa labas din naman kami, pero tinanong namin si John kung may naituro bang mga drug user ang sindikato. Sinabi niyang hindi pa malinaw pero lumalabas na may mga artistang “clients” ang nasabing sindikato. Ibig sabihin mga artistang gumagamit ng droga.

Hindi na bago sa pandinig namin ang mga bagay na iyan. Marami namang artistang talagang narinig na nating gumagamit ng droga.

May isa ngang female star na matanda na, at lola na, pero hanggang ngayon nagbabangag pa rin eh, iyon pa bang mga kabataan? Marami rin ang nagsasabi na iyong kaguluhan ng isang female star kamakailan, hindi raw kalasingan lang iyon kundi posibleng may kasama ring “party drugs”. Iyang nahuling sindikatong iyan sa Global City ay may mga dala ring “party drugs” particularly iyong “ecstasy” na usong-uso raw sa mga kabataan lalo na riyan sa watering holes ng mga mayayaman na makabibili noon. Ang isang piraso niyang “ecstasy” na maaaring nasa tablet o capsule form ay nagkakahalaga ng P1,600 sa pasahan sa mga “dance clubs” at mga bar na istambayan ng mga mayayamang kabataan, kabilang na ang mga model at mga artista. Ginagamit din daw iyan ng ilang mga mahihilig, kabilang na ang mga bading, para matangay ang mga gusto nilang biktimahin dahil ang drogang iyan ay nagpapataas daw ng libido ng taong gumagamit.

Hindi namin alam kung gaano ang extent ng nakuhang report ni John, pero sa palagay namin matindi iyon dahil may part two pa nga raw ang kanyang report, na kasama na ang ibang mga artista, model at iba pang celebrities na sinasabing “clients” ng sindikato sa droga.

Parang alam na namin kung sino-sino iyan. Istambay sa Makati ha.

Ed de Leon

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *