ni Reggee Bonoan
SA wakas ay napagbigyan din kaming makatsikahan ang nanatiling loyalista sa ABS-CBN, ang Chief Correspondent ng News Department ng nasabing TV network na si Ms Korina Sanchez at maybahay ni DILG Secretary Mar Roxas.
Ilang beses na kasi kaming nagpa-schedule ng exclusive interview kay Ms Korina noong nakaraang taon sa kainitan ng storm surge ng Yolanda ay hindi kami mahanapan ng oras.
Matatandaang ilang linggong nawala sa TV Patrol ang nag-iisang anchorwoman dahil sa paglilibot nito sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda pero iba naman ang kumalat na isyu dahil nga nagka-initan sila ni CNN correspondent Anderson Cooper.
Kasabay din ng pagkawala niya sa radio program niyang Rated Korina sa DZMM.
Tumayming nga naman lahat, pero nawala ang tsikang suspendido siya ng isang buwan o isang taon ng biglang mag-report si Ate Koring sa TV Patrol pagkalipas ng isang linggo.
Ayon mismo sa anchorwoman ay sa TV Patrol at Rated K na lang muna siya magko-concentrate dahil nga gusto niyang mag-aral para tapusin ang kanyang masteral.
“Paano ko matatapos kung may radyo ako sa umaga? Kaya nga hindi ko matapos-tapos kasi wala akong oras.
“So, para matapos kailangan kong i-sacrifice ang radio program ko, good thing may online class na.
“Heto nga, e, habang nagti-’TV Patrol’, nasa class ako, kaya sinasabi ko sa kanila (professor) dapat magkakasundo-sundo (sa oras) kayo dapat, may classmate ako from Canada, Israel, Singapore, Malaysia.
“Lahat sila available after work, eh, ‘Patrol’ time, 7 o’clock (pm), so ako na lang mag-aadjust, so sabi ko sa professor ko, ‘I just want you to know that I’ll be like If I don’t answer questions, I’m probably on air, natatawa naman sila, they’re very lenient that way kaya kapag tinatawag na ako ng floor D (director), sinisinghalan ko ‘yung floor D, ha, ha, ha. Sabi ko, ‘istorbo ka’, kaya galit na galit sa akin ‘yung floor D,” tumatawang kuwento ni ate Koring.
Ang schedule na ngayon ni Korina, “in the morning, napakalaking ginhawa talaga, hindi katulad ng dati, ang radyo ko, 8-10 (AM) kami ni Ted (Failon), beginning in the morning alas diyes tapos ka na, eh, may 10-11 (am) pa.
“So, ‘pag gumising ako ng 8: a.m. , and 9:30 a.m. I go to work, eh, bitin na ako sa kailangan kong trabahuin, meeting palang namin ng sekretarya ko, hindi kami matapos (tapos), by the end of the radio program at 11:00 a.m. tapos na ang buong kalahating araw (ko), lunch time na.
“Kaya ‘yung 10-11:00 a.m. pamatay talaga sa schedule. Ngayon na wala ako n’yan, amg haba-haba ng umaga ko, dire-diretso ang dami kong natatapos talaga.”
Samantala, susubukan lang daw muna ni Mrs. Roxas ang isang semester, “pero, puwede ko ring dire-diretsuhin, two years ang course ko,”
Kaya pagkalipas ng dalawang taon ay at saka lang ulit maririnig ang boses ni ate Koring sa radio.
“Pero maggi-guest ako sa Monday (ngayong araw sa radio),” say sa amin.
At sabi raw kay Koring, “sabi sa akin kung may specials kami, puwede ka pa naming kunin? Pumayag naman ako at ako pa ang nagsabi kung kailangan nila ng extra manpower, I can help naman.”
Kontrata sa DZMM, paso na
Sa kabilang banda, wala na palang kontrata si ate Koring sa radio at sa telebisyon naman ay may isang taon pa bago siya muling mag-renew.
At dahil tatlong taon na lang ay eleksyon na ulit kaya tinanong ang maybahay ni Secretary Roxas kung ano ang plano ng huli? Kung plano niyang kumandidato sa 2016.
Mabilis na sagot ni ate Korina, “sa totoo lang, hindi talaga namin napag-uusapan kasi, ang nakita kong gustong relasyon ni Mar sa akin ay talagang asawa lang. Kumbaga, parang hindi ako ka-sparring pagdating sa politika.
“In the earlier years of our relationship, I thought he wanted that. Eh kasi, feeling ko, equipped naman ako to talk about those topics.
“And then, I notice, he never brings it up. And the few times I tried to bring it up, nakikita ko na ayaw niya. Kumbaga, lalaking-lalaki siya na few words talaga siya.
“Lalo na kung sensitive (issue) at may meeting sa bahay, sinu-shoo (pinagtatabuyan) ako nina Frank Drillon, (at sasabihin), ‘ay, o, lumabas ka muna rito Korina, may pag-uusapan na kami’. Talagang hindi talaga sila nagsisimula, parang unwanted ako roon.
“So, taga-serve lang ako ng pagkain. Hindi ako puwedeng makitsismis,” natatawang kuwento sa amin ni Mrs. Mar Roxas.
At alam naman daw ni Korina kung bakit ayaw ng grupo na naroon siya kasi nga journalist siya.
“Kasi siguro kung ako ay asawa lang at wala naman ako sa news, eh puwede naman ako sigurong nandiyan parati.
“Ako rin kasi, sa tagal ko na ring nag-i-interview ng politiko, ayaw ko rin na ‘yung misis, parating nandiyan, naiinis ako,” natawang kuwento.
Sec. Mar, fav. ang kilitian with Korina
Nabanggit din na kapag may isyu si Secretary Mar ay hindi rin ikinukuwento ng kalihim sa kanyang asawa.
At ibinuking ni Korina na ang type na type raw gawin ng asawa niya kapag nasa bahay lang sila.
“Gustong-gusto niya ang mga kilitian. Kunwari, gigisingin ko siya, lalagyan ko siya ng yelo sa noo, magigising siya, type na type niya ‘yung mga practical jokes na ganyan.
“O kaya, tulog siya tapos lalagyan ko siya ng earbuds sa ilong. Type na type niya ‘yan, I’m telling you,”tumatawang kuwento ni ate Koring.
At maski raw nasabit ang pangalan ni Sec Mar sa nakaraang Yolanda storm surge ay, “hindi siya humihingi ng saklolo sa akin, hindi siya dumadaing sa akin.
“Ang galing niyang mag-compartmentalize. I think it’s because sobra na ang stress sa trabaho ko, sobra na ang stress sa trabaho, so gusto niya, pagdating sa bahay, masaya lang tayo. Kulitan kami. Ngayon, kakompetensiya ko na ‘yung mga aso namin sa pangungulit,” kuwento ni Ms Korina.
At ‘pag nasa bahay daw si Kalihim Roxas ay nagde-destress siya kalaro ang mga alagang aso.
“Ngayon, about his plans (elections), I don’t ask him because parang gusto ko ring iwasan ‘yang usapang ‘yan. Parang I also don’t want to encourage it,” pagtatapat ni ate Koring sa amin.