Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, gumigimik; Luis, ‘nagpapagamit’?

ni Alex Datu

VERY hottie ngayon sina Angel Locsin at Luis Manzano lalo na ang aktres dahil gamit na gamit daw sa promo ng teleserye nito ang pag-amin na mahal pa rin ang aktor.  Kaya ang susunod na puwedeng isipin, ang pagbabalikan ng dalawa na wala namang masama. Free as a bird ang dalawa mula sa hiwalayan blues kina Phil Younghusband at Jennylyn Mercado.

Ang tsika ngayon, itinuturo si Angel na magaling tumayming sa pag-amin dahil nataon ba o itinaon sa promo ng teleserye ng aktres? Hence, maraming duda sa sensiridad ng aktres sa pagsasabing mahal pa rin ang ex.  Lalo pa’t may nakapagsabi na ilang taon na ang nakalipas nang nakausap ang aktres at inaming wala nang pagmamahal sa actor. Pero walang kamuka’t mukat, nag-iba ang ihip ng hangin at biglang sinabing mahal pa si Luis.

Siguro, kung hindi Kapamilya si Luis baka raw hindi ito magpapagamit sa promo slant ng serye.

Sa isang interview naman kay Ms Vilma Santos, nasabi nitong mabait na bata si Angel at hanga rin siya sa pagpapatakbo ng karir nito. Mapagmahal sa magulang kaya expected na magiging mapagmahal na ina ito sa kanyang magiging mga anak. ”Mabait na bata si Angel at kung ano man ang nababalitaan natin tungkol sa kanila ni Luis ay hayaan ko muna sila, sarili nila ‘yan.  Unless, Luis will call me up for any advice, roon ako magsasalita. Pero sa ngayon, no comment muna ako sa kanila.”

Jayson, nabago ang buhay dahil sa panggagaya kay Kuya Boy

INAMIN ni Jayson Gainza na kailangan nitong bumalik sa pagbabasa ng Ingles para maka-cope sa personalidad ng King of Talk na si Boy Abunda. Pati ang pagre-review ng correct pronounciation ng English words ay pinagkakaabalahan niya ngayon  gayundin ang current events.

Aniya, very spontaneous si Kuya Boy sa kanyang mga iniinterbyu at hindi niya alam alam kung saan kinukuha nito ang isusunod na itatanong.

“Sobra lang, ini-exaggerate ko lang ang mannerism ni Boy at dahil dito, nakapunta na ako sa San Francisco para mag-show bilang Boy Abunda. Hindi lang ‘yan, naipagawa ko na ang bahay namin.”

Hindi lang epektibong Kuya Boy impersonator ang komedyante, pati sa pagpapel nitong cross-dresser ay gurl na gurl siya kaya nagmarka ang kanyang papel sa Mumbai Love. Siya ang nag-aruga kay Solenn Heusaff sa istorya na isang ulila sa mga magulang at mayroon siyang parlor and on the side, nagda-dance instructor siya.

Ang Mumbai Love ang kauna-unahang Bollywood-Pinoy movie na handog ng Capestone Picturessa direksiyon ni Banito Bautista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …