NAG-TRENDING ang isang eksena sa soap nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Talagang pinag-usapan sa social media ang kissing scene nila.
Pero nabitin ang lahat ng nanonood ng soap dahil sadyang hindi ipinakita ang lips to lips ng dalawa. Marami tuloy ang naokray sa MTRCB at nagtatanong kung bakit hindi naipalabas sa TV ang lips to lips nila Daniel at Kathryn.
Anyway, walang tumalo sa Daniel-Kathryn soap. Nganga lahat nang itapat ng Siete.
Otso ni Direk Elwood, basura?
SUCCESSFUL ang screening ng Otso sa Cine Adarna ng UP recently. Present ang cast especiallyVince Tanada na bida sa obra ni direk Elwood Perez.
Intinding-intindi ni Vince na ang Otso ay hindi isang ordinary film kaya naman varied ang reactions ng mga nakapanood dito.
“That is the beauty of the film. It created a lot of debate. A lot of people liked it. To some of the people na nakapanood ay basura raw ‘yung ‘Otso’. That is the beauty of ‘Otso’ actually, ‘yung pagkatapos nilang panoorin ay pinagdedebatehan nila kung maganda ba ‘yung Otso o hindi,”paliwanag niya.
He then explained the essence of the movie.
“Actually, mental process po ito ng isang writer. ‘Di ba ‘pag nagsusulat tayo ay talagang minsan may pumapasok na hindi naman totoo. Kaya lang ‘yung pagkagawa ng movie ay may pagka-Felliniesque, a mixture of reality and dream na hindi in-spell out sa pelikula kung ano ang reality o kung ano ‘yung totoo. Hindi mo alam kung reality ba ‘yon o dream lang kaya talagang marami ang nako-confuse. Sa World Cinema naman ay ganoon talaga.
“Lahat tayo sinasabi na si Elwood is a melodramatic director pero pinatunayan niyang kaya niyang gumawa ng isang matinding art film na puwede sigurong isali sa international film festival. Isa itong patunay na hindi lang siya box office director na isa sa stalwarts ng Regal films kung hindi isa rin siyang magaling na director. I totally believe na he’s a genius,”pagbibigay-pugay ni Vince kay direk Elwood.