MALAYO pa ang May 4, pero starting first week of February, mag-uumpisa na ang Laguna Governors office na magtrabaho at ayusin ang buong lalawigan para sa Palarong Pambansa.
For the first time, ang Palarong Pambansa 2014 ay sa Laguna gaganapin. Naging mapalad ang lalawigan dahil nakuha niya sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon at sa tulong na rin ng current governor Jeorge ER Ejercito
Nagkaroon ng contract signing (Memorandum of Agreement) sina Gov. ER para sa Laguna Province at ang Department of Education sa pamamagitan ni Deputy Secretary Armin Luisito. Malaki ang gaganaping Palarong Pambansa na humigit kumulang 17,000 athletes, coaches, officials, trainors at iba pa ang darating to participate.
Malaking trabaho ang magaganap sa pagdarausang palaruan na mismong sa kapitolyo gagawin kaya lalong pagagandahin ang Laguna Capital Center, ito ay sa Sta. Cruz, Laguna. Ang maganda pa, malaking tulong sa mga Taga-Laguna na magkaroon ng pagkakakitaan kahit sa maikling panahon. Posible ring lahat ng mga showbiz people na tubong-Laguna ay anyayahan ni Gov E.R tulad ninaCong. Dan Fernandez, Sheila Ysrael, Azenith Briones, Broadcaster Sol Aragones, Marco Sison, Mark Herras, Alden Richard, Dion Ignacio, Nadine Samonte, recording artist Magno Twins, Emilio Garcia at marami pang iba na sumasabak na rin sa entertainment at pelikula. Pero for sure, sa opening ng Palarong Pambansa sa May 4 makakasama ang mga sikat na celebrities na kampeon sa larangan ng palakasan (sports).
Sina Cong. Manny Pacman Pacquiao, James Yap, at Teng Bros, na sina Jeron at Jerie ang magbubukas ng Palarang Pambansa.