SA pagdiriwang ng ika-180 anibersaryo ng Ginebra San Miguel Inc., (GSMI), bubuksan nila ang taon sa highly anticipated first leg ng taunang Ginuman Fest series ngayong Sabado, Enero 25, sa Tutuban Center Mall Parking Grounds, sa Tondo, Maynila.
Para sa maiden leg nito sa Tondo, magtitipon-tipon ang ilan sa pinakamaiinit na GSMI brand ambassadors na pinangungunahan ng mga rock bands at certified OPM hit-makers na The Itchyworms, Callalily, at Rocksteddy; ang nag-iisang “Sample King” na si Jhong Hilario; ang sexy actress na si Solenn Heussaff; at ang maalindog at award-winning actress na si Marian Rivera, na nag-pose para sa iconic na kalendaryo ng Ginebra sa ikalawang pagkakataon ngayong 2014.
Sa ikatlong taon, patuloy ang Ginuman Fest sa pagbibigay kasiyahan sa lahat ng mga loyal at solid na “kalahi”sa buong bansa. Bawat leg ng series na ito ay hitik na hitik at punompuno ng mataas na kalidad ng musika mula sa mga brand ambassador na inaasahang umawit ng kanilang greatest hits, hottest chart-toppers ngayon, standard favorites, at party anthems.
Bukod sa musical extravaganza na inaalay ng Ginuman Fest, isa rin itong game show na maraming mapananalunan ang mga ka-barangay sa bawat leg. May inuman, kainan, at mga “side-games” na tiyak papatok sa mga kabarangay.
Ang Ginuman Fest ay ang munting paraan ng GSMI upang pasalamatan ang milyon-milyong mga kalahi na siyang dahilan ng pagiging no. 1 gin nito sa buong mundo.
Maaari ring subukan at bilhin ng mga concertgoer sa mga Ginuman Fest venues ang iba pang mga GSMI products gaya ng GSM Blue, GSM Blue Flavors, Ginebra San Miguel Premium Gin, Gran Matador Brandy, at Antonov Vodka.
Inaasahan ding mataob ng Ginuman Fest 2014 ang kamangha-manghang bilang ng mga tao na dumalo at nakisaya noong nakaraang taon na lumampas sa isang milyon sa buong run ng concert series sa buong bansa.
Bilang karagdagang pang-aliw sa mga manonood, ilulunsad din ang Ginuman Fest Crew na pinangungunahan ng radio DJ na si Jec Lubrin na gagampanan ang papel ni Boy Hamon. Lilibutin ni Boy Hamon at ng Ginuman Fest Crew ang lahat ng 15 destinasyon ng concert series at ido-document ang bawat leg na mapapanood sa official Facebook pages ng Barangay Ginebra at GSM Blue Gin. Kabilang sa mga mapapanood ay ang mga never-before-seen footage mula sa bawat leg ng Ginuman Fest pati na rin ang kanilang adventures sa bawat lungsod na kanilang bibisitahin.
Sa susunod na buwan, maaaring sundan ang Ginuman Fest sa Baguio City (Pebrero 8) at Calamba, Laguna (Pebrero 21). Darayo rin ang Ginuman Fest sa San Jose, Nueva Ecija; Calapan, Mindoro; Balanga, Bataan; Lingayen Pangasinan; Bantay, Ilocos Sur; Baliwag, Bulacan; Catanauan, Bondoc Peninsula; Bayombong, Nueva Vizcaya; Tuguegarao, Cagayan Valley; Daet, Camarines Norte; Batangas City, Batangas; at magtatapos ito sa San Juan City, Metro Manila.