Monday , December 23 2024

Bong, dead na!?

SELF-DESTRUCTION ang ginawa ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr., sa kanyang pinaghandaang privilege speech sa plenaryo ng Senado nitong Martes ng hapon.

In full force ang angkan nila ng misis niyang si Candy Hernandez-Bautista aka Lani Mercado-Revilla with matching the 85-year old Ramon Revilla, Sr.

(Mabuti na lang at hindi nagpagamit si Jodi Sta. Maria, na any moment ay mawawalan na rin ng career dahil sa kanyang association sa mga Revilla.)

Sa katapusan ng talumpati ng mabunying mambabatas, kanyang ipinahiwatig na siya’y nagsusumbong sa masa ng sambayanan at siya’y nagpapakampi dahil siya’y kinakastigo ng estado na nagsasangkot sa kanya sa bilyon-bilyon pork barrel scam.

Tila nagkamali si Senador Bong sa kanyang pagsusumbong dahil ang nakasalang na isyu rito ay ang kanyang pandarambong sa milyon-milyong pondo ng kanyang Priority Development Allocation Fund (PDAF) sakop ng 2007 hanggang 2009, na kanyang pinadaloy sa mga pekeng foundations ni Janet Lim Napoles.

(Na kanyang itinangging wala silang kinalaman sa isa’t isa samantala business partners ng kanyang anak ang mga Napoles!)

Na sana’y ang milyon-milyong nalustay sa mga pekeng foundations ni Napoles, ay inyong ipinagawa ng mga silid-aralan at mga health centers sa mga pinakaliblib na lugar sa mga kanayunan  at iba pang pampublikong-serbisyo na pakikinabangan ng sambayan.

Alam kaya ni Kap Bong na ang karamihan sa mga  piyon, mason na nasa Metro Manila ay hindi nakatapos ng mababang paaralan dahil sa kawalan ng pagkalinga ng pamahalaan?

At alam din kaya ni Kap Bong na karaniwan nang hindi nakakakita ng doktor ang isang mahirap bago siya bawian ng buhay sa mga liblib na baryo?

Hindi na siya kinilabutan sa kanyang mga pinagngangawa samantalang wala naman siyang nalikhang batas para  maibsan ang malaon nang pagkakatali sa kahirapan ng malawak na masa ng sambayanan!

Ay oo nga pala, mismong ang kanyang mabunying maybahay ang nagpahayag na ‘sige, tanggalin ninyo ang PDAF pero huwag kayong hihingi ng tulong sa amin,’ patungkol ng nanay nina Jolo Revilla sa kanyang constituents, nang ipahayag ni PNoy na tatanggalin na kuno ang PDAF. (Ironya ng mga ironya, si Lani Mercado pa ang nahirang na Most Outstanding Congresswoman 2013! Magkano at pa’no?)

At ang lakas ng kanyang loob nang siya’y maghamon sa kanyang pahayag na ‘hindi ako natatakot at wala akong kinatatakutan’, something to that effect, na patungkol sa pamahalaang Aquino.

(Kanino kayang agimat ang kanyang ipinagmamalaki? Kay Panday? Pepeng Agimat? Nardong Putik? Ang makahula, mag-uuwi ng pork barrel!)

Akala ko dadagundong ang plenaryo ng senado sa palakpakan ng kapwa niya mambabatas. Pero, tila sina Jinngoy Bell at Juan Ponce Enrile (birds of a feather) ang tanging pumalakpak.

Alam kaya ni Bong Revilla, Jr., na sa kanyang ginawang iyon ay kanya nang tinuldukan ang kanyang career—political, showbiz and otherwise.

Gayung si Bong Revilla na rin lang ang ating paksa, heto ang tex-tula ni Frank G. Rivera, na aking unang nakadaupang-palad sa Philippine Educational Theater Association (PETA) circa 1970.

“ANG PANDAY”: Inihandang  armas nitong si Revilla/Sa kinakaharap na pakibabaka/Talas at kinang ng mahikang espada/Pinanday mula sa lumang estratehiya.//Lumihis sa kasong kinasasangkutan/At luma nang isyu ang muling binuksan/Parang teleseryeng pabalik-balik lang/Mga alaalang di malilimutan.//Pag-iwas sa isyu’y di makatutulong/Nautong botante, ngayo’y nagtatanong/Saan napunta  ang PDAF nitong si Bong/Sino ang nagbulsa sa naroong milyon?//Iskrip nitong si Kap di naman ‘amazing’/ Parang pelikulang nagkunwaring sining/At kahit na hindi gaanong suriin/Madaling malaman sinong sinungaling.//Ang buhay ay parang isang pelikula/Kahit anong pangit ay mapapaganda/Lalo’t kung kritiko ay kulang sa mata/Hahangaan basta pogi ang artista.//Pinupolitika ang lahat ng bagay/Mapa-pelikula o totoong buhay/Kaya kailangang tamang pagsubaybay/Sa “Bagong ‘Adventures’ ni Bong bilang Panday.

Art T. Tapalla

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *