DAHIL sa sunod-sunod na trabaho, hindi inaasahang itinakbo si Kylie Padilla noong Lunes ng umaga sa St. Lukes Medical Center sa The Fort.
Ayon sa kanyang manager na si Ms. Betchay Vidanes, inaasahang magiging maayos na ang lagay ng dalaga at makakabalik na sa taping.
FAP, naghain ng Petition for Mandamus laban sa MMDA
NAKATSIKAHAN namin si Atty. Ariel Inton, lawyer ng PAF (Film Academy of the Philippines) sa isinampa nitong Petition for Mandamus sa Metro Manila Development Authority ( MMDA) na humahawak ng Metro Manila Film Festival.
Sa petisyon na nakuha namin kay Atty. Inton, nakalagay doon ang Petition for Mandamus (with prayer for the Issuance of a Temporary Restraining order and/or Writ of Preliminary Injunction).
Ang TRO ay para hindi na dumaan sa MMDA ang amusement tax na ibibigay sa beneficiaries (The Film Academy of the Philippines, Mowelfund, Motion Picture Anti Film Piracy Council (MPAFPC), Optical Media Board (OMB), at Film Development Council of the Philippines (FDCP)) ng MMFF.
“Una, pinapa-account namin ‘yung kinita ng MMFF ng film festival para malaman natin kung magkano dapat ang makuha ng beneficiaries. Kasi may COA (Commission On Audit) report kami na P82-M ang hindi naire-remit nang tama simula noong 2002 to 2008. Maraming violation ang MMDA base on the COA report. Now, Atty. Tolentino (Chairman ng MMDA) says hindi pa naman ako chairman niyan. Eh, bakit hindi ka naman idinemanda ng personal capacity, idinemanda ka as Chairman of MMDA. That is very basic sa pagdemanda. Sino idedemanda namin? Fernando,eh, hindi naman siya ang Chairman ngayon, eh!” deklara ni Atty . Inton na sinasabing hindi naman direkta kay Chairman Tolentino ang demanda kundi sa MMDA.
“Ang beneficiaries ng MMFF ay hati-hati sa amusement tax na makukuha. Nakukuha ito sa nakokolekta ng local governments sa Metro Manila during the filmfest week. Ang pinagtatakhan nina Leo, bakit habang tumataas ‘yung gross, lumiliit ‘yung parte nila?Ang sabi ng mga dumidepensa sa MMDA ay , paano kasi 10 percent na ‘yung para sa amusement tax. Oo nga pero magkano ba ‘yung ticket ng sine noong panahon ng kopong-kopong, eh, baka P5 lang, eh, ngayon P200 na. So, kahit 10 percent ‘yan, bakit pababa nang pababa? Dapat tumataas. Mayroon naman si Leo na computation dito, eh!
Dahil nasa atensiyon na ni Atty. Francis ang kasong ito, dapat niyang bigyan ng pansin ang hinaing ni Leo Martinez. Marami silang sulat pero hindi raw nila sinasagot ang Film Academy. So, walang choice ang Academy kundi idulog na lang ito sa korte.
Roldan Castro