Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SpinNation, dinumog dahil sa Malditas

GRABE ang tao sa live episode ng social media music show na SpinNation na hino-host ni Jasmine Curtis Smith sa TV5 noong Sabado dahil guest nila ang Malditas Pinoy Football Team na female counterpart ngAzkals Football Team.

Sabi nga ng lahat, tinapatan ng Malditas ng kagandahan ang mga naguguwapuhang players ng Azkals at higit sa lahat, hindi lang pang-football ang naggagandahang dilag na ito dahil marunong din silang kumanta, katunayan ay singer pala ang isa sa miyembro nilang si Stephanie Danz na taga-PolyEast records.

At dahil girly-girly ang imahe ng Maldita ay nag-iiba sila pagdating sa field dahil wala silang sinasanto. Katunayan, sila ang representative ng Pilipinas sa nakaraang 2013 SEA Games.

Anyway, dalawang beses nag-trending ang SpinNation noong Sabado dahil sa sangkaterbang guests nila na pawang sikat sa Facebook at Twitter o masasabing maraming followers sa social media kasama na ang dating Pinoy Dream Academy scholar na si Davey Langit na taga-Baguio City.

Samantala, naikuwento ni Jasmin sa staff ng SpinNation na pinuri at sinabing maganda raw ang show nila nang makasalubong niya si TV5 Chairman at Chief Executive Officer, Manny V. Pangilinan sa isang event.

In fairness, kumikita ang SpinNation at isa ito sa nag-aakyat ng pera sa TV5.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …