Sunday , January 12 2025

Boy Abunda ‘di puwedeng kuwestiyonin ang sobrang kabaitan (Parang si Helen Vela, noong nabubuhay pa! )

GUSTO yatang maging belong sa hundred’s set of showbiz  writers ang mga Telcom Guy na nag-post ng kanilang mga reklamo sa social media laban kay kuya Boy Abunda at Billy Joe Crawford. Kung ‘yung pagsusuplado kuno ni Billy Joe ay madaling paniwalaan dahil deadmaerong tunay naman talaga ang Fil-am actor. ‘Yung reklamo laban kay kuya Boy na may tinarayan raw na Telcom guy (para sa amin kilalang-kilala sa kanyang lubos na kabaitan ang King of Talk), ay bagay na mahirap paniwalaan.

Si kuya Boy pa magpapaliwanag ‘yan, kapag meron siyang hindi gusto sa pinag-uusapan. Kaya isang malaking imbento para sa amin ‘yung sumbong ng isang empleyado (Telcom guy) na tinarayan umano siya ni kuya Boy, nang hindi magustohan ang line-up ng mga question sa kanya nang hingan niya ang host ng survey. Ipinalalabas na iba ang imahen na ipinapakita ng global TC personality sa telebisyon kaysa personal. Talaga lang ha? Well para sa ikalilinaw ng nasabing isyu, ay agad agad namin tinawagan ang matagal nang trusted secretary o confidant ni kuya Boy, na si  Philip Roxas. Para alamin kung ano ba ang totoong nangyari sa survey ng nasabing Telcom guy para sa isang Telecommunication company na pinaglilingkuran nito? Mabilis kaming sinagot ni kaibigang Philip at sabay depensa sa kanyang Good Samaritan boss. Hindi raw ganoong klase ng tao si kuya Boy, na  basta-basta na lang magtataray. Mahinahon siyang kausap at marespeto sa kapwa. Saka wala na raw panahon ang King of Talk na makipagdiskusyon lalo pa’t bukod sa mga show niya sa TV na Bandila, Buzz  ng Bayan at The Bottomline ay masyado rin daw  siyang abala sa kanyang Foundation na patuloy na tumutulong o namamahagi ng mga relief goods sa mga Yolanda survivor sa lugar nila sa Borongan Samar, Leyte. Kung saan mayorya roon ang kapatid ni kuya  Boy na si Fe Abunda. Honestly, minsan si Philip raw  talaga ang nakapagtataray lalo sa mga makukulit kausap. Na kahit pahinga ng ng boss niya ay pilit na ipinagigising. Syepre concerned lang siya sa kanyang amo na puwedeng ihalintulad kay Helen Vela noong nabubuhay pa ay likas na mabait.

101% agree gyud!

MARICAR REYES,

NAGKAMALI NANG

PINAKASALAN SA

“MAALAaLA MO KAYA?”

Mapagmahal na asawa’t ina na niloko ng kanyang mister ang bibigyang buhay na karakter ng award-winning actress na si Maricar Reyes sa family drama episode ng “Maalaala Mo Kaya”  ngayon Sabado (Enero 11). Paano matatanggap ni Elena  (Maricar) na ang pinakamamahal niyang asawang si Leo (Ariel Rivera) ay nauna nang ikinasal sa iba? Handa bang isakripisyo ng isang ina ang kanyang pinangarap na pamilya para maitama ang isang pagkakamali? Kasama rin sa “MMK” episode na idinerek ni Garry Fernando sina Encar Benedicto, Jennifer Mendoza, Jenny Miller, Eunice Lagusad, Gem Ramos, Katya Santos, at Miguel Vergara.

Ang kwento ay isinulat nina Mary Rose Colindres at Arah Jell Badayos, at  sinaliksik ni Michelle Joy Guerrero. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producer na si Fe Catherine San Pablo. Huwag palampasin ang makabagdamdaming episode  ng “MMK” ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN.

Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-”like” ang Facebook.com/MMKOfficial.

SANGKATUTAK NA CASH

AT GROCERIES

IPINAMIMIGAY ARAW

ARAW SA “TRIP NA TRIP”

Labis na kinaaaliwan ngayon ng viewers ng Eat Bulaga ang mga Hunky Los Biyaheros na sina Diego, Eduardo at Pedro sa isa sa popular na segment ng show na “Trip na Trip.”

Yes, maliban sa nakaaaliw ang mechanics ng palaro ay sobrang kinikilig talaga ang mga kalahok rito kina Diego, Eduardo at Pedro. Kasi, naman instant ay nakakakandong sila at nakakaakbay sa mga Papable foriegner na Brazilian at Mexicano. S’yempre lalo nagiging masaya ang Trip na Trip dahil kina Dabarkads Pia Guanio, Pauleen Luna, Ryan Agoncillo, Isabel Daza at Keempee de Leon. Sa mga di pa nakakapanood try niyong mag-watch at t’yak na mag-e-enjoy kayo sa kanila. At pabolosa rin ang mga cash prize na ipinamimigay araw-araw rito kung saan ang tatanghaling daily winner ay tatanggap ng 10K plus 2 Cart of Groceries. Sa mga contestant naman na matatanggal sa game nakadepende sa kanila ang cash na pwede nilang mapanalunan. ‘Yung unang matatanggal ay makatatanggap ng 3K plus EB personalized t-shirts, 4K naman with Jacket sa pangalawa at para sa panghuling madi-disqualify ay makapag-uuwi ng 5K at Jacket. Dahil part rin ang studio audience sa Trip na Trip, daily ay may dalawa sa kanila ang pwedeng mag-win ng 5K  each ang makukuhang cash.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *