Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne at John Lloyd, magsasama sa isang project! (Pagkatapos ng sampalan issue)

“SA mga hindi nagsulat, maraming-maraming  salamat po. Sa mga nagsulat, God bless you na lang po,” bulalas ni Anne Curtis sa ‘sampal scandal’ niya.

“Moving on,” dagdaga pa niya at pagsasalarawan sa 2014.

Balik-work na naman si Anne mula sa kanyang bakasyon. Napapanood na siya sa It’s Showtime at balitang may gagawin silang pelikula ng ex-boyfriend niyang si Sam Milby. May gagawin din daw siyang bagong album pero pahinga muna siya sa pagco-concert. ‘Di tuloy ang plano niyang concert sa Smart Araneta.

Pero marami ang nai-excite sa balitang may project umano na pagsasamahan sina Anne at John Lloyd Cruz pagkatapos ng sampalan na nangyari.

Kung sabagay, parehong hindi na pinag-uusapan ng dalawa ang sampalan blues at mukhang okey na silang dalawa, huh!

Boy Golden, matinong pelikula!

NAPANOOD din namin ang Boy Golden ni Gov. ER Ejercito. Ang haba ng pelikula pero hindi kami nainip dahil sa ganda ng istorya at pagkakadirehe ni Chito Roño.

Magugulat ka talaga kung bakit hindi man lang ito nagka-award sa nakaraang gabi ng Parangal ng MMFF. May K ito na kung hindi man masungkit ang Best Picture puwedeng maging 2nd Best Picture ng filmfest kompara sa My Little Bossing na pinipintasan talaga at pangit ang review sa movie.

Ang Boy Golden ay isa sa matinong pelikula ng filmfest at hindi sayang ang oras at pera ‘pag pinanood ito.

Tunay na rebelasyon din ang leading-lady ni Gov. ER na si KC Concepcion.

TJ, nabiyayaan ng baby girl

BONGGA ang natanggap na Pamasko ni TJ Trinidad dahil nabiyayaan sila ng baby girl ng asawa niyang si Margarita “Marga” Valdes.

Pangalawang anak ito ni TJ dahil lalaki ang panganay nila.

Sey ni TJ ay quota na raw siya sa dalawang anak niya.

Sa bago niyang serye okey lang na kontrabida ulit ang role niya.

“It’s okay, nakakapagod talaga mag-play ng antagonist, eh. Nakakapagod so that’s where the challenge comes in talaga. To try to bring on a fresh take,” deklara niya.

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …