Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, lucky charm ni Xian!

SA teaser pa lang ng bagong handog ng Star Cinema for 2014, ang Bride For Rent na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim, malakas na ang dating nito at maganda. Parang tipong tulad ito ng una nilang pinagsamahan last year, ang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? na tumabo rin sa takilya.

Ang Bride For Rent ay idinirehe ni Mae Czarina Cruz na ang pinaka-huling pelikula ay ang smash hit ng 2013 na She’s The One.

Masuwerte talaga itong si Xian kay Kim dahil nabibigyan siya ng suwerte ng dalaga. Tulad ng una nilang pelikula, ang dalaga na naman ang tiyak na magdadala ng Bride for Rent. Makikita na naman ang husay ni Kim sa komedya.

Ang Bride For Rent ay isang nakaaaliw at nakatutuwang love story tungkol kina Rocco Espiritu (Lim) at Rocky Espiritu (Chiu) na parehong desperadong nangangailangan ng pera. Kailangang magpakasal si Rocco upang makuha ang malaking mana habang si Rocky naman ay kailangan din ng pera pambayad sa kanyang renta, sa takot ng mawalan ng tirahan dahil malapit na siyang mapalayas kasama ng kanyang pamilya.

Makikipagsabwatan si Rocco kay Rocky na papayag na magpanggap na asawa ni Rocco kapalit ang malaking “talent fee.” Matapos ito, isang katutak na nakalolokang mga problema ang haharapin nina Rocco at Rocky. Uubra kaya ang kanilang plano o magiging biktima sila ng kanilang panloloko dahil baka magkaroon talaga sila ng feelings sa isa’t isa?

Bukod kina Kim at Xian, may espesyal na pagganap din ang Asia’s Queen Of Songs na si Ms. Pilita Corrales sa pelikulang ito at ito rin ang kanyang pagbabalik sa big-screen. Maaaring abangan ng mga film buff at mga tagahangga ng Kim-Xian love-team ang isang ‘di malilimutan at feel-good na cinematic experience sa Bride For Rent na napakagandang paraan upang umpisahan at buksan ang bagong taon.

Ipalalabas ang Bride For Rent sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula Enero 15.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …