Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Geoff, desidido na sa pagpapapayat

FORTY pounds lighter and he couldn’t be happier.

Baka nga dapat pang ipagpasalamat ni Geoff Eigenmann

ang kumalat na balitang may “fat memo” umano sa kanya ang network na nag-aalaga  dahil obvious namang lumobo nga siya sa screen.

Dahil na rin siguro sa advice sa kanya ng management niya sa PPL sa pangunguna ni Perry Lansigan kaya natutukan din ang tuluyang pagpayat ng binata ni Gina Alajar.

Noong una nga raw tamad-tamaran pa si Geoff basta’t gym time na. Pero nang maumpisahan na, halos hindi na raw ito umaalis sa gym. At ngayon take rin siya ng MMA (mixed martial arts) at nangangarap pa na mabigyan ng sanction to join sa isang fight nito. Ito raw ang nasa bucket list niya.

“Once you change your perception, everything will follow!” na ang kanyang mantra now.

May kasalanan din naman pala si Carla Abellana sa paglobo ni Geoff dahil ang peace offering nito kapag nagkakatampuhan sila eh ano pa nga ba, kundi pagkain!

Now they know better!

Pagpapakita sa marangyang bahay ni Kris, tinuligsa

LUMAYO muna ang Queen of All Media na si Kris Aquino right after na mag-host siya sa MMFFAwards at agad-agad na lumipad silang mag-iina pa-United Kingdom.

Sa kanya ngang mensahe sa Facebook account niyang noong first Friday ng Enero, sinabi nitong ibinabalik niya ang kanyang Sacred Heart of Jesus devotion kaya nagsimba silang mag-iina roon sa London.

Dahil nga raw inabot ng P300+++ million ang kinita ng kanilang My Little Bossings sa takilya kaya nagte-thank you siya kay Lord.

Saad pa nito, ”Time to ask for GUIDANCE and WISDOM…please know that whatever decision I make, apart from considering what will be most beneficial for my 2 sons, it’s very important to me to consider what you, my audience wants. That’s why it’s good for me to be away now, to just be with my sons, so that I can reflect very carefully…”

Kalat na kalat na kasi ang balitang umano ay 90 porsiyento na ang planong paglipat uli nito sa tahanang pinagmulan niya nang nagsisimula pa lang siya although may nagsasabi naman na uupo siya in a meeting with the MVP. And vice versa.

Samantala, true to her word na sinusunod niya what her audience wants-nang may mag-react sa pagpapakita niya ng mga karangyaan sa bago niyang bahay sa kanyang KrisRealiTV,  agad na pinutol na ang mga kasunod pa sanang feature sa kabuuan ng bagong bahay na nilipatan nilang mag-iina.

May nagsabi kasi na umano napaka-insensitive naman ng programa na ganoon pa ang mga ipinakikita sa panahong marami ang nagdarahop dahil na rin sa mga kalamidad na inabot ng karamihan. Kaya pala ilang araw na pawang replay ang natunghayan sa nasabing programa.

When Kris comes home, she will have the biggest decision in life na kanyang masasagot very soon.

Ang tanong ngayon ng mga miron—matutuloy daw kaya ang paglipat niya? At sasama naman daw kaya lahat ng kanyang staff sa show niya when it happens?

Ini-enjoy na lang ng mag-iina ang remaining days nila sa London at siguradong pagbabang-pagbaba niya ng eroplano, may pasabog na tayong matatanggap from the Queen who visited the Queen’s Court in London.

No bridges will fall down ba sa desisyong gagawin ni Kris?

Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …