Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina ni Ai Ai, ihahatid na sa huling hantungan

NOONG Lunes, Disyembre 30 pumanaw ang biological mother ni Ms Ai Ai de las Alas na si Gng. Gregoria Hernandez de las Alas at ngayong umaga ang libing sa Eternal Gardens, Quezon City na pinaglibingan din ng tatay niya.

Dalawang taon na raw maysakit na Alzheimer ang nanay ni Ms A kaya’t sa bahay na niya ito nakatira at ang panganay niyang ate ang nag-aalaga, ito ang kuwento ng komedyana nang dalawin namin siya sa Ascension Columbary, Araneta Avenue noong Miyerkoles ng gabi.

Kuwento pa ni Ai Ai, “dalawang linggo na raw nilalagnat, nawawala tapos bumabalik. Tapos noong bumalik ako galing Amerika (nag-show), napansin ko, parang namumutla, dinala ko sa Heart Center, dalawang linggo kami roon. Doon kami nagkaroon ng one-on-one para makapag-usap.

“Actually, malakas pa noong hindi pa nagkakasakit, tapos biglang nag-deteriorate na, ganoon pala ‘yun kapag mamamatay na, biglang bagsak ang katawan.

“Ayaw ng mga kapatid ko ng caregiver o nurse, mas gusto niya kaming magkakapatid o siya lang ang mag-aalaga kasi siyempre, hindi mo naman din sure kung maaalagaan nang husto kapag ibang tao ang nagbantay.

“Nakakatawa nga, kasi hindi na kami kilalang lahat na magkakapatid ng nanay namin, ako, tiyahin daw niya ako. Ang kilala niyang Aileen, ‘yung standee ko na nasa kuwarto niya.

“May standee kasi ako sa kuwarto niya, ‘yun ang kinakausap niya at sinusumbungan niya kapag pinagagalitan siya ng ate ko kasi hindi sila minsan nagkakasundo.

“Kapag kakain na siya (nanay), aalukin niya ‘yung standee ko at ‘yun ang hinahalikan niya. Tapos sasabihin ko, ‘nay, ako sino ako?’ sasagot niya, ‘di ba ikaw ‘yung tiyahin kong (pangalan ng tiya)’. Nakakatawa nga, ganoon siya.”

At dahil nasa Amerika ang dalawang anak ni Ai Ai na sina Shaun Nicollo at Sofia ay ang panganay na si Sancho ang karamay niya sa pagdadalamhati sa pagkawala ng ina.

“Kakukuha lang kasi nila ng green card nila kaya hindi pa puwede. Thank you Lord, green card holder na sila,” paliwanag ng komedyana kung bakit wala ang dalawang anak.

At para sumaya ng kaunti si Ai Ai ay binanggit naming hinahanap ng mga bata ang pelikula ng isang Ai Ai de las Alas sa Metro Manila Film Festival tulad ng anak naming si Patchot na itinuring na ring ‘anak’ ni Ms A ay tinanong kami ng, ‘mamaw bakit walang movie si mommy Ai Ai? Bakit hindi siya kasali sa ‘Girl Boy Bakla Tomboy?’ Hindi ba kasama sila rati sa ‘Sisterakas’ kasama sina Kris Aquino at Vice Ganda?’

“Oo nga, nasanay kasi ang tao sa akin na may pelikula ako kapag Metro Manila Film Festival, hindi bale, this year, hindi puwedeng wala akong pelikula, sabihin mo kay Patchot, this year, kasali na ako, at saka sabihin mo sa anak (Patchot) ko, problemado si mommy Ai ngayon kaya hindi ko siya pinapunta pa,” sabi ng natatanging Ina.

Samantala, si Bishop Teodoro Bacani, Jr. ang nagmisa sa huling gabi ng burol ng nanay ni Ai Ai kagabi na dinaluhan ng mga non- showbiz at showbiz friends ng aktres.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …