Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor, may K i-revive ang kanta ni Sharon Cuneta!

AMINADO si Marion Aunor na masaya siya sa takbo ng kanyang career. After i-launch ng kanyang self-titled album mula Star Records, naging kaliwa’t kanan ang kanyang TV guestings, pati na mga shows.

“Enjoy na enjoy po ako sa nangyayari sa career ko, since mas marami na pong nakakare-cognize sa music ko at tuloy-tuloy po ang guestings. Feeling very blessed and grateful to all who have supported me,” saad ni Marion.

Isa pang labis na ikinatuwa ni Marion ay nang napasali siya sa album na Magkasama Tayo sa Kuwento ng Pasko, A Star Records All Star Christmas Collection. Dito ay kinanta niya angMerry Christmas Darling na originally ay inawit ni Karen Carpenter.

Dapat ding abangan ng mga fan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang Got To Believesoundtrack. Isa si Marion sa featured artists sa Got To Believe soundtrack. Pinangungunahan ang naturang album ng lead stars nito sa TV series ng ABS CBN na sina Kathryn at Daniel.

May duet dito sina Kathryn at Daniel via the song Got To Believe in Magic. Nandito rin si Jurisat si Marion nga. Kinanta dito ng dalaga ni Maribel Aunor ang My Only Love na originally ay ang Megastar na si Sharon Cuneta ang kumanta.

Sinabi ni Marion ang kanyang naramdaman nang nalaman niyang bahagi siya ng album na G2B. “When I first found out, I thought it was pretty cool that Star Records would entrust me with a song originally or previously sung by Ms. Sharon. Hopefully, yung mga familiar sa version niya, magustuhan din po yung version ko.”

Paano ang treatment mo ng kanta ni Sharon, nilagyan mo ba ng personal touch mo ang version mo rito?

“Yes, I put my own style para bumagay po sa boses ko. Sana magustuhan po ng listeners,” wika pa ng talented na singer.

Sa tingin mo ay hindi ka naman mapapahiya kay Megastar sa version mo ng kanta niya? “Hindi naman po siguro, since iba naman po version ko,” saad pa ni Marion.

Nabanggit din ni Marion sa amin nang naka-chat ko siya via Facebook na nanghihinayang siya dahil nang nag-guest siya sa The Mega and the Songwriter ng TV5 ay hindi niya na-meet nang personal ang Megastar.

“Actually noong nag-guest po ako, I was quite disappointed because she wasn’t there. I think she was sick at the time. But I hear she’s better now, so that’s good.”

Wish mo ba, next time na mag-guest ka sa show nila ay ma-meet mo na si Sharon? “Opo… looking forward to being invited to their show again and hopefully I get the chance to finally meet her.

“Tuwang-tuwa nga po ako na nagustuhan ni Sir Ogie ‘yung music ko e, especially when he told me that he liked me ever since Himig Handog. Siya po kasi ang isa sa mga judges doon.

“So yes, I feel very honored and I’d also love to know what Ms. Sharon thinks,” masayang paliwanag pa ni Marion.

Sa talentong taglay ni Marion, magaling siyang mag-compose ng mga kanta, maganda ang boses niya, may unique siyang style, at marunong tumugtog ng musical instruments, may-K talaga siya sa music industry.

Esoterica Manila, kaabang-abang na pelikula

NAKITA ko na finally ang trailer ng pelikulang Esoterica Manila. Intriguing ang pelikula at kaabang-abang talaga ang bagong obra na ito Direk Elwood Perez.

Tinatampukan ito nina Ronnie Liang, Vince Tañada, Boots Anson Roa, Snooky Serna,Lance Raymundo, John Hall, Carlos Celdran, ng mga taga-Philippine Stagers Foundation,at marami pang iba.

Gaya nang nabalitaan namin noon, marami ngang eksenang nakahubad dito si Ronnie at kitang-kita naming pinaghandaan talaga niya ang pelikula dahil maganda ang katawan niya sa naturang pelikula. Halatang nag-work-out nang todo ang singer/actor upang maging seksi ang kanyang katawan dito. May love scene rin kaming nasilip si Ronnie rito.

Kaya makikita natin kung bukod sa pagkanta ay iidolohin din si Ronnie bilang actor sa pelikulang ito.

Hopefully next time ay mas makakapagbigay pa ako ng mas juicy details hinggil sa mga highlights ng pelikulang Esoterica Manila ni Direk Elwood .

nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …