Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joy, na-depress dahil iniwan na ng mga alaga

NAKALULUNGKOT   isipin, na depress   ngayon si Joy Cancio dahil isa-isang umaalis sa poder niya ang mga alagang Sexbomb Girls.

Masakit nga namang matapos mong i-build up, isa-isang tumitiwalag. Well, dapat tandaan, talagang ganyan ang buhay-showbiz. Hindi uso ang pagtanaw ng utang na loob, puro personal interest lang.

Kung sabagay if God close the door, He opens the window. At saka may iba namang suwerteng darating sa isang taong katulad niyang mabait.

Noong namamayagpag si Joy, lahat ay binibigyan n’ya ng envelope sa  mga presscon niya, kesehodang  gaka (gate crashers) katwiran niya, sa dyaryo rin naman ito sumusulat at hindi sa pader o tela.

Minsan, hindi rin maganda ‘yung sobrang mabait sa kapwa. May tendency na lokohin ka sa ending.

Mga pumupuri kay Willie, isa-isa nang nawawala

DATI, bukambibig ang pangalan ni Willie Revillame. Palagi na lang nagkakagulo ang mga taong gustong maambunan n’ya ng suwerte sa kanyang show, ang Wowowillie!

Lahat ay pumupuri sa actor/TV host na kesyo pogi raw, mabait, at madaling lapitan. But now, noong mawala sa  ere ang show, nawala rin isa-isa ang mga dating pumupuri.

Ganyan sa showbiz, pagkakaguluhan ka kapag  may mapapala sa ‘yo.

Well, ano pa ba ang bago sa mundong ito? Kaya nga black and white, walang forever.

Michael V., solo na ang pagiging comedy king sa GMA

MASUWERTE si Michael V. siya na ang comedy king sa GMA matapos mawala si Ogie Alcasid.

Putok na putok ngayon ang kanyang Bubble Gang.

Teka, ano na nga ba ang nangyari sa promise ng TV5 na shows kay Ogie? Bakit wala pa? Pati ‘yung tambalan nina Nora Aunor at Tirso Cruz III. Parang bitin na bitin kung matutuloy o hindi.

Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …