Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gov. ER at KC, naaksidente sa Boy Golden

SUMUPORTA at nanood ang Megastar na si Sharon Cuneta  at si dating Senator Kiko Pangilinansa premiere night ng Boy Golden na MMFF entry nina Gov. ER Ejercito at KC Concepcion.

Halos lahat ng mga nakapanood ng pelikula ay pumupuri sa galing ni KC. Marami ang humuhula na posibleng magka-award ito.

“Alam n’yo po, para lang maihilera ng ganoon, pinanonood ko lang si Tita Eugene (Domingo, bida ng ‘Kimmy Dora 3’ na mahigpit niyang makakalaban for Best Actress category).

“I never expected din naman ‘yung ganoon, kasi sanay ako sa Female Star of the Night (na special award)! Ha! Ha! Ha!,” reaksiyon lang ni KC.

Kahit si Mega ay proud sa kanyang anak.

“Siyempre naninibago ako, baby ko iyan, eh. Pero sabi ko deep breathing lang. It’s a beautiful movie. It’s a great movie,” bulalas ni Sharon sa isang panayam na nagulat din siya sa mga fight scene ni KC.

Ikinokonsidera ni KC na pinakamahirap ang project na ito sa lahat ng kanyang ginawa.

“May 38-hour fight scene shooting days kami. Physically, ito ang pinakamahirap na nagawa ko,” sey ni KC.

Nagkaroon din ng minor car accident si KC at si Gov ER noong i-shoot ang Boy Golden dahil vintage cars ang gamit nila. Medyo napalakas ang kapit ng preno ng vintage car at nabugbog ang tuhod niya. Nag-fold ‘yung upuan niya, nag-forward at‘yung isang cameraman ay napalakas din ang pagsubsob.

Walang love scene sina Gov. ER at KC Concepcion sa Boy Golden pero may kissing scene.

Talbog!

(ROLDAN CASTRO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …