Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktor, feeling magaling at sobrang bilib sa sarili

TAWA kami nang tawa habang nakikinig sa kuwentuhan ng mga katoto at ilang artista tungkol sa aktor na feeling napakahusay umarte at guwapo dahil sobrang bilib sa sarili.

Kuwento ng kilalang artista, “feeling guwapo, akala mo kung sino, hindi makatanda at walang galang.”

Say naman ng isa pang artista, “eh, kasi kasalanan din ‘yan ng mga handler nila, pinalalaki ulo, sinasabi na sikat na sila kaya hayun, lumaki ulo maski wala namang napatutunayan pa. Ganyan ang mga batang artista ngayon. Hindi katulad noong araw, walang mga handler-handler na nagpapalaki ng ulo ng mga artista.

Singit naman ng veteran columnist, “you know these handlers, sila ang dapat pukpukin kasi sila ‘yung bad influence sa mga alaga nila. Kaya itong mga alaga nilang artista maski mga bopol, tingin nila sa sarili nila, sobrang taas na nila. I’m not referring only to ABS-CBN, or GMA 7 or even TV5 maski na wala namang masyadong sikat doon. Dapat sila ‘yung marunong pumutol sa sungay ng mga alaga nila, eh, sila pa kasi ang nauuna.”

Para sa amin ay hindi naman lahat ng handlers ng mga artista sikat o hindi ay may mga ugaling hindi maganda dahil marami kaming kakilala rin na sila mismo ang sumusuway sa ugali ng mga alaga nila at in fairness, ang babait ng mga alagang artista ng kakilala naming handler na marunong tumanggap ng mali kapag nasisita.

‘Yung iba kasing handlers, maski na kitang-kita na ang mali ay pinagtatakpan pa kaya lumalakas ang loob ng ibang artista nila.

Anyway, hindi namin nilalahat pero mas marami nga ang mga artistang malalaki ang ulo dahil na rin sa kagagawan ng handlers nila.

Going back to feeling guwapo at magaling na aktor ay dati namin siyang gusto dahil mabait naman ng una naming makapanayam, pero noong napansin na siya ng kaunti, eh, sumobrang laki na ng ulo.

Sana bigyan siya ng solong pelikula para malaman kung kaya niyang dalhin. (Ayaw malugi ng produ, kaya ‘wag na raw—ED).

(Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …