AMINADO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ngayong taon ang may pinakamalaking kita sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival. Ito’y mula sa pelikulang My Little Bossings.
Tinatayang kumita na agad ng P50.5-M ang pelikulang pinagbibidahan nina Vic Sotto, Kris Aquino, Aiza Seguerra, Ryzza Mae Dizon, at James “Bimby” Aquino Yap sa unang araw pa lamang. Dahil sa laki ng kinita, sila na ang highest record ever Filipino movie of all time.
Kaya naman binabati natin ang bumubuo ng My Little Bossings dahil box-office runaway winner sila sa 2013 Metro Manila Film Festival.
Kaya hindi kataka-taka na kapwa masaya sina Vic at Kris (na bukod sa pagiging actor sa pelikula ay prodyuser din kasama sina Orly Ilacad at Tony Tuviera) sa tagumpay na tinamo ng My Little Bossings.
“We are so thankful to everyone who found time to watch our movie. We’re very proud of this achievement,” anila.
Ipinagdiriwang na rin ng production companies—OctoArts Films, M-Zet Films, APT Entertainment, at Kris Aquino Productions ang tagumpay na tinamo ng pelikula at tinitingnan nila ito bilang validation at encouragement para muling gumawa ng family-oriented movies tulad nga ng My Little Bossings.
Sabi nga nila, this movie touches the heart and warms the soul ng mga nanood. Kaya naman dapat bigyang credit sina direk Marlon Rivera at script and screenplay writer Bibeth Orteza sa magandang pagkakagawa ng pelikula.
At siyempre, ang tagumpay nila’y dahil din sa outstanding chemistry ng bumubuong artista ng My Little Bossings, lalo na ng dalawang bagets na nina Ryzza Mae at Bimby. Talaga namang nakapagpa-wow sa mga tagapanood ang dalawa hindi lamang dahil sa kanilang pagiging cute kundi dahil na rin sa galing ng pag-arte na kanilang ipinakita.
Napapanood pa rin ang My Little Bossings sa mga paborito ninyong sinehan.
Maricris Valdez Nicasio