A Blessed 2014 po sa inyong lahat naming tagasubaybay dito sa Hataw!
May pasyente po ako noong Huwebes. First time po siyang nakarating sa clinic ko. Alam n’yo naman po na kahit nag-aral ako at nagtapos ng AM Medicine, pagkatapos ko pong mabasa ang medical record ay tinitingnan ko po ang pasyente upang malaman ang tunay na dahilan ng kanyang karamdaman. Siya po ay Lesbian. Bata pa po. Wala pang 30 anyos. Hindi naman niya sinabi sa akin na Lesbian siya. Kaya lang po sinabi agad sa akin ng kanyang “Gabay” o spirit guide ‘ika nga.
Deretso kong tinanong kaagad sa kanya sa marahang pananalita kung kailan siya huling nakipagtalik sa kapwa n’ya babae. Sinagot n’ya ako ng – “last week lang po.” Medyo nagulat ako dahil ang sakit po n’ya ay “Lung Cancer” stage 3!
Sa loob-loob … kung ako ang ganito kalala ang sakit, pagdarasal na lang ang aatupagin ko. Tiningnan ko po siya nang matagal at nakinig sa sinasabi ng kanyang “Gabay.” Ang sabi po – KARMIC daw ang dahilan (KARMA) ng kanyang karamdaman. Sa katunayan, ang kanyang ama at ina ay patay na … ganoon din ang kanyang batang kapatid. Lahat ay maiigsi ang buhay. Sinabi rin sa akin ng kanyang “Gabay” na magkakamaganak, magpipinsan ang nag-aasawahan lalo na sa kanyang mother side. “Incestuous” kung sa wikang English. Tinanong ko po ang pasyente kung ito ay totoo. Sinabi po niya na tamang lahat ang sinasabi ko. Nag-uumpisa na po ang tuloy-tuloy na pagpatak ng kanyang mga luha. Awang -awa po ako sa kanya. Ipinaliwanag ko po sa kanya na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sila ay nagkaganyan. Itinuro ko po sa kanya ang tamang pagdarasal. Hindi dapat nakahiga maliban na lamang kung nakaratay sa sakit at hindi makabangon. Magrosaryo. Isama ang Litany o Litanya dahil hindi buo ang Rosary kung hindi ito isasama. Humngi ng tawad, alalahanin at banggitin ang lahat ng kasalananng maaalala … magpakumbaba. Ihingi ng tawad ang kasalanan ng mga ninuno at magpatawad sa lahat ng kanyang kagalit at nakasamaan ng loob. Pagkatapos po nito, saka humiling na siya ay pagalingin sa kanyang karamdaman. Wala pong imposible sa Langit!
Umalis po ang aking pasyente na nagkaroon
ng pag-asa. Alam din n’ya kung ano ang kanyang mga pagkukulang. Silang dalawa na ng ating Panginoon ang bahalang mag-usap. Ako po ay nasa gitna lamang. Taga-deliver ng mensahe. Tagatulong ng kaluluwa na siyang higit na na nangangailangan ng pagsalba kaysa katawang lupa. May mga ganyan na pong nangyari na nang humingi ng tawad at nagpatawad at nagdasal nang buong puso at kaluluwa ay biglang gumagaling.
Ang paghingi ng tawad sa ating mga kasalanan
at pagpapatawad ay isang napakagandang gawin nating lahat ngayong bago pumasok ang Bagong Taon. Kasunod ang pangakong HINDI NA ITO UULITIN.
Maraming salamat po! Mahal ko kayong lahat! Welcome the year of the Horse!
Nagmamahal,
Dra Elizabeth Oropesa
Sa mga nais mag-appointment sa clinic, maaari pong tumawag sa mga numerong ito: 3853677. 4311147 or +639228155319
Dr. Elizabeth Oropesa Freeman