Humakot ng parangal ang pelikulang “10,000 Hours” sa Gabi ng Parangal ng ika-39 na Metro Manila Film Festival (MMFF), Biyernes ng gabi sa Meralco Theater, Pasig City.
Humakot din ng parangal ang mga bituin ng “10,000 Hours.”
Best Actor ang bida ng pelikulang si Robin Padilla habang Best Supporting Actor si Pen Medina.
Panalo rin ang “10,000 Hours” bilang Best Picture, Best Screenplay at Best Original Story.
Ilan pa sa award na tinanggap nito ay Best Cinematography, Best Production Design at Best Visual Effects.
Tinanggap din ng pelikula ang FPJ Memorial Award for Excellence at Gat Puno Villegas Cultural Award.
Iginawad din ang Best Musical Score at Best Sound Engineering.
Bagama’t hindi direktang ginamit ang pangalan ni dating senador Panfilo Lacson at ang mismong talambuhay nito, ginamit namang inspirasyon sa pelikula ang mga kaganapan sa buhay ng kasalukuyang rehabilitation czar tatlong taon na ang nakalilipas. Tumutukoy ito sa pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa dating senador na nagbunsod para siya magtago.
Narito ang kabuuang listahan ng mga nagwagi:
Best Actor: Robin Padilla, 10,000 Hours; Best Actress: Maricel Soriano, Girl, Boy, Bakla, Tomboy; Best Supporting Actress: Aiza Seguerra;
Best Supporting Actor: Pen Medina, 10,000 Hours;
Best Child Performer: Ryzza Mae Dizon (My Little Bossings); Best Picture: 10,000 Hours;
2nd place Best Picture: Girl Boy Bakla Tomboy;
3rd place Best Picture: My Little Bossings;
Best Original Theme Song: My Little Bossings;
Best Make-up: Pagpag: Siyam na Buhay;
Most Gender Sensitive Film: Girl, Boy, Bakla, Tomboy;
Female Star of the Night: Eugene Domingo; Male Star of the Night: Daniel Padilla; Youth’s Choice Award winner: Pagpag: Siyam na Buhay; FPJ Memorial Award for Excellence winner: 10,000 Hours;
Best Float: Boy Golden; Best Original Theme Song: My Little Bossings; Best Cinematography: 10,000 Hours;
Best Editor: Marya Ignacio, 10,000 Hours;
Best Production Design: 10,000 Hours;
Best Visual Effects: 10,000 Hours; Best Musical Score: 10,000 Hours; Best Sound Engineering: 10,000 Hours;
Best Screenplay: 10,000 Hours; Best Original Story: 10,000 Hours; Best Director: Joyce Bernal, 10,000 Hours.
Inilabas ang resulta, dalawang araw matapos buksan sa mga sinehan ang walong pelikulang kalahok.
Sina Kris Aquino at KC Concepcion na kapwa tampok sa magkahiwalay na pelikulang entry sa MMFF ang nag-host ng Gabi ng Parangal.
***
Samantala, hindi nagkatotoo ang mga mang-huhula kuno na si KC Concepcion ang tatang-haling Best Actress dahil sa kakaibang arrive (daw) ng acting ng anak ni Mega Shawie sa pelikulang pinagtambalan nila ni Jeorge “ER” Estregan, “Shoot to Kill: Boy Golden.”
Nagkabisala rin ang mga pang-uuto ng pralalaers na si Vice Ganda rin ang tatangha-ling Best Actor dahil sa kanyang quadruple cha-racter na ginampanan sa “Girl, Boy, Bakla, Tomboy,” pero mali sila dahil napunta kay Robin Padilla ang tropeo bilang Best Actor para sa obrang “10,00 Hours” na idinirehe ni Bb. Joyce Bernal.
Sa kabuuan, 14 tropeo ang napanalunan ng “10,000 Hours,” na naulit ang nangyari noon sa 1977 MMFF nang ang “Burlesk Queen” ng namayapang si Celso Ad Castillo, na tinampukan ni Vilma Santos, waging Best Actress, ay nakakopo rin ng 12 tropeo (pinakarami sa mga lahok), na ipinagprotesta ng grupo ng yumaong Lino Brocka, dahil sa talunan ang kanilang entry na “Tahan na Empoy, Tahan,” ni Niño Muhlach.
Well, sabi nga, sa lahat ng mga ganitong paligsahan o pestibal ay merong panalo at merong talo.
Congratulations sa mga nagwagi at sa mga talunan, na hindi naman nangangahulugang walang kwenta ang kanilang mga entry, better luck next time.
Mabuhay ang pelikulang Filipino!
Art Tapalla