Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, sobrang hinangaan ang anak sa Boy Golden

BASE sa pahayag ni Sharon Cuneta matapos mapanood ang anak na si KC Concepcion sa pelikulang Shoot-To-Kill Boy Golden noong premiere night sa MOA, tropeo na lang ang kulang para masabing certified best actress na ang anak ni Mega.

Aniya, ayaw niyang pag-isipang nagbubuhat siya ng sariling bangko pero bilang isang ina ay sobra ang pagiging proud nito nang mapanood ang improvement ng anak sa craft nito.  As in, kitang-kita nito ang pag-level up ng kanyang anak bilang aktres.

“Siyempre, I dont want to sound bias dahil anak ko siya pero I am an actress also. Parang na-elevate ng kaunti in my eyes. I guess, it runs in the blood both sides, siyempre kung ano ang ipinakain,” pahayag nito.

Inamin ng Megastar na hangang-hanga siya sa fighting routine ng anak na talagang nagmukhang action star sa pakikipagsuntukan at sipaan, Regular pala ang pagte-train nito ng martial arts in-between breaks ng shooting kaya naman ganoon lumabas na magaling siya. Ang balita, inabot ng apat na araw ang pagsu-shoot ng mahabang fighting routine ni KC laban sa totoong lady expert ng martial art. Hindi naman nagkamali si Direk Chito Rono dahil lumabas na very realistic ang fight scene.

Aniya, kakaibang KC ang mapapanood dito, kung pasosi-sosy siya sa mga naunang pelikula and more on pa-pretty-pretty girl, she has transformed into a matured actress, suddenly, maraming nagsabing she is an overnight actress.

Kung hinangaan si KC sa kanyang performance, marami namang nabigla sa pagiging palaban nito sa mga eksenang halikan nila ni Gov ER Ejercito. But infairness, let’s give the credit to Direk Chito dahil nagawa nitong disente ang halikan ng dalawa. Walang kalaswaang maiisip habang pinanonood ang mga eksena.

Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …