Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging babae ni Vice, nagmarka sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy!

NAIMBITAHAN kami sa block screening ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy noong Pasko sa Trinoma.

Talagang bongga ang movie at lahat ng screening ay sold out. Ang daming fans at ang haba ng pila sa movie ni Vice Ganda. We were with our friends Eddie Littlefield, Alwin Ignacio and Arnel Ramos.

Maraming kuwelang eksena si Vice pero nagmarka siya bilang Girlie, ang girl na anak nina Maricel Soriano at Joey Marquez na may American twang dahil lumaki sa US. Kakaloka ang kulangot joke niya, lahat napatawa.

Todo effort si Vice bilang girl, boy, bakla, tomboy kaya naman marami ang nagsasabing baka maiuwi niya ang best actor trophy.

Sa movie ay natupad ni Vice ang dream niyang masampal ni Maricel sa movie at tiyak na natulig siya sa lakas ng sampal ng Diamond Queen. Maging si Joey, sa isang eksena ay nasampal din ng pagkalakas-lakas ni Maricel.

Bago kami pumasok ay naka-P30-M na ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy as of 5:00 p.m. at naka-P47-M ito sa buong araw ng Pasko. Tinalbugan daw nito ang movie nina Kris Aquino, Vic Sotto, Bimby, at Ryzza Mae Dizon.
Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …