NAGING magandang taon ang 2013 para sa actor/singer na si Lance Raymundo.
Maraming movies ang ginawa ni Lance this year, kabilang dito ang psycho thriller na Babang Luksa, Aninag, Direk Ato Bautista’s Alaala ng Tag-ulan, at ang Tinik ni Direk Romy Suzara na kapwa para sa Sineng Pambansa.
Ngayon ay ginagawa naman ni Lance ang pelikulang Gemini ni Direk Ato Bautista. Isa itong psycho-triller na muling magpapakita sa kakayahan ni Lance bilang actor. Sa pagkakaalam ko ay may special role rin siya sa pelikulang Mumbai Love na pinagbibida-han naman nina Kiko Matos at Solenn Heussaff.
Bukod sa marami siyang pelikulang ginawa this year, sini-mulan na rin ni Lance ang kanyang unang stage play via Solo Para Adultos mula PETA na tinatampukan din nina Niño Muhlach, Gwen Garci, Al-thea Vega, at iba pa. Mapapanood na this 2014 ang natu-rang sex-comedy play.
Nakasungkit din si Lance ng ilang awards sa papatapos na taon. Last October, kabilang siya sa awardees sa Gawad Musika Awards kasama sina Sarah Geronimo, Pilita Corrales, Elizabeth Ramsey, Ronnie Liang, Teejay Marquez, at ang Four Tenors. Pinarangalan dito si Lance ng Most Outstanding Performance Artist 2013.
Masayang ipinahayag nga ni Lance na, “I’m glad that even if I have not been active as a singer in recent years, because of my acting career, my achievement as a singer si still recognized. So, it’s inspiring to know that I still do have a place in the music industry.”
Then last month naman ay nanalo si Lance sa Festival of Short Films na tinatawag na Bidyo na ginaganap yearly sa Miriam College. Ang entry niya rito ay pinamagatang Unsung Hero at leading lady niya rito ang former Star Circle at Big Brother housemate na si Brenda Fox.
Nang usisain ko pa siya kung next year ba ay mas magiging active siya sa music kaysa sa movies dahil nabalita niya sa amin ang Love & Fascination-Wolf sound album niya, plus ang gagawin niyang music video, sinabi ni Lance na mas magfo-focus pa rin siya sa acting.
“Acting pa rin, ‘coz dito ako talaga nakatutok ngayon. But it’s nice to know that singing is still welcoming me with open arms. Actually, that’s why I got the Performance Artist Award, because of my credentials as an actor, singer, host, etcera,” nakangiting saad pa ni Lance.
My Little Bossings at Girl Boy Bakla Tomboy, maglalaban sa takilya!
WALANG dudang ang magla-laban sa pagiging numero uno sa takilya para sa 2013 MMFF ay ang My Little Bossings at Girl Boy Bakla Tomboy. Given na ito dahil sa mga bituin ng dalawang pelikula at sa tema nito na comedy. Ang una ay tinatampukan ni Vic Sotto, Kris Aquino, Ryzza Mae Dizon, at Bimby Yap. Ang ikalawang movie naman ay pinagbibidahan ni Vice Ganda, times four dahil sa quadruplets ang papel niya rito.
Siyempre, kapag panahon ng Kapaskuhan ay gusto ng karamihan ang tumawa at maging masaya. Kaya lamang ang My Little Bossings at Girl Boy Bakla Tomboy sa puntong ito.
Ang isa pang tradisyon kapag MMFF ay ang horror mo-vie, kaya pasok naman dito angPagpag nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa aking palagay ay magiging number three ito sa box office.
Sa mga mahilig naman sa aksiyon, hindi dapat palagpasin ang Boy Golden: Shoot To Kill nina Laguna Governor ER Ejercito at KC Concepcion. Ang pelikulang ito ay isa sa una namin panonoorin ngayong MMFF. Base sa teaser nito, tila mas matindi sa aksiyon ang movie na ito ni Gov. ER kompara sa 2011 MMFF entry niyang Asiong Salonga na nagustuhan din namin nang husto.
Sa pangkalahatan, sana ay tangkilikin ng lahat ang mga pelikulang entry sa MMFF para laging maging masigla ang industriyang ito.
Nonie V. Nicasio