JUST because nag-post si Kathryn Bernardo ng Merry Christmas sa kanyang Instagram account ay binatikos na siya sa social media.
Kasi naman, isang member ng Iglesia ni Cristo itong si Kathryn at wlaang celebration ng Christmas ang kanyang relihiyon.
Todo-tanggol naman ang fans ni Kathryn.
“Binabati LNG Nya ang knyang mga Catholic fans it doesn’t mean she’s practicing it right,” said one guy.
“Ang pinakamainam gwin ng taga INC pra nmn d maging kwawa member nila..ipagbawal n nila ang magtrabaho with other religions, ipagbwal nila ang pag aartista ng mga member nila kc d nman yn cckat ng INC lng ang mga tagahanga..D p mgkaksala at mccra member nila,” suggestion naman ng isa.
“Okey irespeto rin natin ang Iglesia… Pero dapat irespeto din sana nila si kathryn, hello bakit lahat ba ng fans ng kathniel purong Iglesia? pagnagkakaroon sila ng anniversary binabati rin sila ng mga katoliko ah…. NAKAKALOKA yang mga yan!” paniwala ng isang guy.
“INC dont celebrate Christmas. Respeto nlng for Kathryn dahil artista xa, public figure, kming mga Katoliko nirerespeto nmin kayo, wag makitid ang utak,” say naman ng isang fan ni Kath.
“Wag nalang kasi makielam sa may buhay ng may buhay. Buhay ni kath yan, dapat di sila nakikielam. Ang unfair nga eh, ako katoliko ako pero pag nakikijoin naman ako minsan sa INC di naman nagagalit ung relihiyon ko, pero pag ang INC naki join sa gatheringa ng ibang religion eh magagalit sila? Nice naman!” one guy observed.
“Bawal pala bumati eh di sana bawal din sila tumanggap ng Christmas bonus at gifts kasi di naniniwala sa pasko eh,” may sense namang komento ng isang guy.
Oo nga naman.
Alex Brosas