Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jolina Magdangal, gustong kasama ang mister habang nanganganak

SA susunod na magpa-X-ray si Jolina Madangal ay malalaman na niya kung kaya ni-yang magsilang nang normal. Kung puwede raw maging normal ang panganganak niya ay okay lang sa singer/actress.

Pero ayon pa kay Jolina, isa lang talaga ang hinihiling niya sa kanyang panganganak, iyon ay ang kasama sa simula hanggang katapusan ang kanyang mister na si Mark Escueta.

“Noong huli akong nagpa-check-up, ang sabi ko talaga sa OB ko, na kung ano man po iyan, normal o CS… ang hiling ko lang, katabi ko si Mark, nandoon siya. From start to finish, kahit sabihing tulog ako, kahit ano’ng mangyari sa akin, basta nandoon siya. Kaya ipapaalam namin sa Asian (Hospital and Medical Center), at wala si-yang choice,” saad ni Jolens.

Hindi naman maitago ni Kapuso actress ang nararamdamang magkahalong nerbiyos at excitement sa nalalapit niyang panganganak bandang February ng susunod na taon.

Kuwento ni Jolens, siya at ang mister niyang si Mark ay hindi na makapaghintay sa paglabas ng kanilang unang anak, pero wish ng singer/actress na maging maayos lang ang kanilang baby boy at walang kom-plikasyon. “Sabi ko nga, sana huwag naman din maging ganoon kahirap, kasi alam ko, dapat masaya at ayaw ko talagang matakot. Mas marami pong excitement, kaysa kaba at hindi iyong takot na baka kung ano ang mangyari sa akin o ano.”

Dagdag ni Jolens, gusto niyang siya mismo ang mag-aa-laga at mag-aasikaso sa lahat ng pangangailangan ng kanilang baby. Gusto niyang ma-tutukan mismo ang mga mahahalagang pangyayari sa kanyang magiging anak habang lumalaki.

Sinabi rin ni Jolina na very supportive si Mark sa kanya at naghahanda na rin sa kanyang pagiging daddy. Katunayan ay bumili pa raw ng libro si Mark tungkol sa parenting at inaalalayan si Jolina sa pagre-research tungkol sa kondisyon niya. Matatandaang sa simula ng pagbubuntis ni Jolens ay naging maselan ang kanyang kalagayan. Kaya kinailangan niyang mag-bed rest para tumigil ang kanyang spotting.

Plano raw nina Jolina at Mark ay magkaroon ng minimum na dalawang anak. Sabi niya, kung puwede nga lang daw ay kambal sana ang una nilang anak, pero hindi naman daw iyon posible dahil wala naman kambal sa kanilang lahi.

Sakaling maging caesarian, siya, ano ang comment niya sa paniniwala ng iba na kapag na-ngangak na hindi masyadong nahirapan, like kung caesarian siya ay parang hindi niya raw masyadong mararamdaman ang pagiging tunay na ina?

“Para sa akin, iyong pagi-ging nanay, umpisa pa lang na nabuntis, ramdam mo na e. Kahit hindi ka mag-labor, kasi ang hirap e, iyong nanay lang naman kasi talaga ang naka-raramdam noong nasa loob pa siya (baby) e.

“Puwede kong ipahawak ang tiyak ko kay Mark kapag gumagalaw ang baby, pero hindi niya alam ang feeling ko na kapag gumagalaw sa loob ang baby, parang nasa roller coaster, parang ganoon ang feeling e,” esplika pa ng aktres.

Kiko Matos, atat na atat sa kaseksihan ni Solenn Heussaff

ITINUTURING ni Kiko Matos na kartada onse si Solenn Heussaff! Ito ang ipinahayag ng aktor nang makapanayam namin recently. Magkasama ang dalawa bilang lead stars ng pelikulang Mumbai Love na showing na sa January 2014.

“Ako po ‘yung lead sa Mumbai Love. Leading lady ko si Solenn,” panimulang saad ni Kiko. “Ito po ay isang feel-good romantic comedy film na iba rin ang treatment, kasi directed ito by an award-winning director (Benito Bautista). Confident po ako na hindi siya ‘yung usual love story.”

Paano mo ide-describe si Solenn bilang leading lady? “I would describe Solenn in the essence of professionalism and beauty. She is very easy to work with, I say that because at first I was so mesmerized and overwhelmed on the first days working with her.

“Beauty in a sense, that comes from the inside and out. She is beautiful in every way and every little thing that she does, including her habits, choice of words and and her perception of life. She’s definitely one of a kind as a leading lady in this generation,” paha-yag ng 23-year old na actor na unang napanood sa pelikulang Babagwa.

From 1 to 10, paano mo ire-rate ang beauty ni Solenn? “Eleven, Ha-ha-ha!” nakatawang pahayag niya. “iba po talaga si Solenn e,” dugtong na sagot pa niya.

Would you say na si Solenn ay sexy na at maganda, talented pa? “Not just sexy po, but very-very sexy talaga. She’s very talented! She’s not just a pretty face but an example of elegance, intelligence and glamour,” sabi pa niya tungkol kay Solenn.

Ayon kay Kiko, nag-enjoy siya sa pakikipagtrabaho sa Kapuso actress.

“Nag-enjoy akong katrabaho si Solenn. She’s every guy’s dream girl and sobrang suwerte ko po na maging leading man niya.”

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …