VERY proud ang Star Cinema at Viva Films sa Pamaskong handog nilang pelikula ngayong 2013 Metro Manila Film Festival, ang Girl Boy Bakla Tomboy na pinagbibidahan ni Vice Ganda.
Walang humpay na katatawanan daw ang pelikulang ito na handog nila para sa buong pamilya at nagpapakita ng versatility ni Vice na ipo-portray niya ang most challenging roles to date.
Ang pelikula ay tungkol sa quadruplets na pinaghiwalay noong mga sanggol pa. Dalawa sa magkapatid, ang Team Girl-Boy ay lumipat sa Amerika kasama ang kanilang ama habang ang dalawa naman, ang Team Bakla-Tomby ay naiwan sa Pilipinas kasama ang kanilang ina.
Magsisimula ang problema nang madiskubre ng magkapatid na nakabase sa Amerika na isa sa kanila, ang lalaking kapatid ay may sakit sa atay at kailangang mag-undergo ng transplant. Malalaman din nila na may mga kapatid sila sa Pilipinas na maaaring may liver na magma-match sa kapatid nilang may sakit. Mapipilitan silang umuwi ng Pilipinas at magrekonek sa kanilang mga kapatid at ina.
Isang exciting at rollercoaster silver screen experience ang hatid ng Girl, Boy, Bakla Tomboyngayong Pasko dahil ipakikita rin dito ang unique brand ng storytelling at ang wit at humor ni unkaboggable Vice bilang unifying element ng pelikula.
Ito rin ang kauna-unahang film collaboration ni Vice kasama si Maricel Soriano na idolo niya.
Ani Vice, malaki ang impluwensiya ni Maricel sa kanya bilang isang artist. ”Dream come true na makatrabaho ko si Inay Marya. Sobra ang bonding namin sa pelikulang ito, napakarami kong natutuhan sa kanya.”
Self-confessed Maricelean din naman si Direk Wenn at sinabing, ”Ang sarap ng feeling to work with Mary sa dalawang malaking pelikula this year (‘Momzillas’). Sobra kaming naging close nitong mga nakaraang buwan at sobra kong pinahahalagahan ang friendship namin.”
Kaya kung gusto ninyong sumaya, watch na ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa December 25.
Maricris Valdez Nicasio