Thursday , January 9 2025

Vice, target ang Best Actor Award (Sinabi ring sila ang mangunguna sa box office)

KINI-CLAIM na talaga ni  Vice Ganda na siya ang mangunguna sa box office sa nalalapit na 39th Metro Manila Film Festival at ang ipinagdarasal na lang daw niya ay manalo siya bilang Best Actor dahil ito na lang daw ang kulang niya.

Ito raw kasi ang pangako niya sa manager niyang si Deo T. Endrinal na sinabihan siyang, ‘bigyan mo ako ng best actor award dahil napatunayan mo ng magaling kang TV host, magaling kang mag-concert, at box-office hits lahat ng pelikula mo.’ At maging si Direk Wenn Deramas ay umaasang makakukuha ng best actor award ang isa sa paborito niyang idirehe.

At dahil sure winner na nga ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa takilya ay binabati na raw ni Vice si Kris Aquino ng, “sinasabi ko na sa kanya (Kris), ‘oy, congrats, number two (2) ka, ha?’ Ginaganyan ko na siya,” at ang reaksiyon daw ng Queen of All Media, “‘no, I hate you, I hate you, tie tayo, sabi niya.”

“Sabi ko, ‘hindi naman tayo puwedeng tie. Walang tie riyan, ‘no, sabi kong ganoon,” natatawang kuwento ng TV host/actor.

Inamin ni Vice na mahirap gawin ang apat na karakter sa pelikula niya at inamin ding sina Charice Pempengco at Aiza Seguerra ang peg niya bilang tomboy na talagang inaral niya ang pananalita, pagkilos,at mannerism ng dalawang singers.

Malaki rin daw ang naitulong ng segment nilang That’s My Tomboy sa Showtime, “at nalaman ko na ang pambansang outfit pala nila ay checkered,” natatawang sabi ni Vice.

Dagdag pa, “kasi isang beses papunta ako ng shooting, nagkalat ang tomboy sa audience entrance ng ABS-CBN para sa audition ng ‘That’s My Tomboy’, lahat sila, naka-checkered, lahat ng kulay, lahat ng uri, lahat ng laki, checkered, kaya sabi ko, ‘ah pambansang damit nila ito’.  Kaya pagkatapos niyon, sabi ko sa stylist, o kailangan checkered na (suot kot).”

Ang kaibigan at co-host na si Vhong Navarro naman ang peg niya bilang Boy, “siya naman lagi ang pine-peg ko ‘pag lalaki, siyempre ang ipe-peg mo, ‘yung gusto mong lalaki, eh, gusto ko si Vhong bilang lalaki, ‘yung hitsura, ‘yung diskarte at saka mas marami kaming similarities ni Vhong, nakaka-relate ako kay Vhong.

Bilang Girl ay sina, “Paris Hilton and Ruffa Gutierrez, pinagsama ko sila kasi blandina (Paris), tapos ‘yung pananalita na arte, si Ruffa.

“Tapos sa Bakla, eh, napakarami kong kaibigang bakla at ako mismo, bakla kaya hindi ko na kailangang i-peg ‘yun,” say pa.

Dahil sa tinatamasang kasikatan ngayon ni Vice ay hindi maiiwasang marami ring gustong sumunod sa yapak niya lalo na ‘yung mga nasa comedy bar na gusto ring pasukin ang showbiz.

Pero may payo si Vice sa mga gustong sundan ang yapak niya.

“Huwag nilang sundan ang yapak ko dahil hindi nila masusundan. Kasi ako, wala rin naman akong sinundang yapak.

“Kasi walang makagagawa ng kahit sino. Hindi ko masusundan ang yapak ni Vic Sotto, ni Dolphy, ni Ai-ai delas Alas dahil ‘yung mga tinahak nila ay sila lang ang nagawa ng landas na ‘yun.

“Kaya ‘yung napuntahan kong landas, ito po ang landas na sadyang nakalaan lang para sa akin at hindi nila masusundan. Kaya kung mayroon silang landas na patutunguhan, iyon ay nakalaan na rin para sa kanila.

“Hintayin na lang nila ang panahon dahil panahon ang kusang magdadala sa kanila roon. Diyos na ang nagtakda niyon, hindi na tao.

“Kaya ‘pag sinasabi nilang, ‘you are the next Dolphy, the next Vic Sotto’, I don’t think so. No one will ever be the next Dolphy, the next Vic Sotto.

“I am the first Vice Ganda. Hindi ko kayang gawin ang ginawa nila kaya hindi ko ‘yun susundan. Gagawa ako ng sarili kong rampa,” paliwanag mabuti ng TV host.

Natanong naman si Vice tungkol sa kaibigang si Anne Curtis, “sabi ko masakit ‘yan, sobrang hirap ‘yan. Sobrang bigat, sobrang stressful, masakit sa ulo. Wala ka nang magagawa.”

At dahil sa nangyari kay Anne ay kinailangan niyang sumugod ng Showtime noong Disyembre 2 na dapat sana ay bakasyon siya dahil maysakit at walang boses, pero, “I need to be there for a friend.

“Kahit hindi niya sabihin, alam natin na nasasaktan ‘yung tao. Alam na alam ko yung pakiramdam na ‘yan, kasi nanggaling na rin ako riyan.

“Sabi ko, bakla na ako, matapang na ako, pero iniyakan ko ‘yan, naiyak ako sa mga sinabi sa akin.

“Sa mga panghuhusga na ibinigay sa akin, sa mga nabasa na sobra-sobra tungkol sa akin. Lalo na kung babae ka, malambot ka at hindi ka sanay sa ganyan.

“Alam ko kung gaano kasakit ‘yan kaya sabi ko, ‘I have to be here for you’,” paliwanag ng bida ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Ang payo ni Vice kay Anne, “ang dapat niyang gawin ay magtrabaho siya, habang nalilibang siya, kumikita siya.

“Keep yourself busy and gawin mo ang trabahong ibinigay sa iyo. Huwag mong i-prioritize ‘yung sakit. Hindi ko puwedeng sabihin na huwag niyang ramdamin kasi mararamdaman niya ‘yun, huwag niya lang i-prioritize,”say nito.

Tinanong naman namin si Vice kung nagalit o nairita siya sa mga taong nambastos kay Anne bilang malapit sa kanya?

“Unang-una, hindi naman ako puwedeng magalit, kasi wala naman siyang ginawang direkta sa akin.

“Bakit ko naman huhusgahan ang ginawa niya? Hindi ako nainis sa kahit kanino man,” say sa amin.

Ang kinaiinisan daw ni Vice ay, “kung mayroon akong kinakainisan ngayon ay ‘yung sobra-sobra namang panghuhusga.

“Ako, alam kong nagkamali si Anne Curtis.

“At si Anne Curtis naman ay alam niyang nagkamali siya, aminado siya, kaya nga humingi na nga ng tawad.

“Sabi ko sa kanya, ‘Hindi natin mapipigilan ang publiko kung ano ang gusto nilang sabihin, pero tatagan mo na lang ang loob mo’.”

Bilib naman si Vice kay Anne dahil, “pinipilit niyang huwag magbasa ng Twitter, pinipilit niyang magtrabaho nang matiwasay.

“Nakikita ninyo naman na pumapasok pa rin sa ‘Showtime’.

“Ginagawa niya ang lahat at hindi siya nagpapaapekto.

“Although naapektuhan siya, pinipilit niyang maging professional sa lahat.

“I think she’s doing a good job na buo pa rin siya.

“Buong-buo ang pamilya niya. And kaming pamilya niya sa ‘Showtime’, hindi namin siya binibitawan,” pagtitiyak ni Vice.

Mapapanood ang Girl Boy, Bakla, Tomboy sa Disyembre 25 kasama sina Maricel Soriano, Ruffa Gutierrez, Joey Marquez, Cristine Reyes, Ejay Falcon, JC de Vera, Kiray Celis, JC de Vera, JM “Cho” Ibanez, Red Bustamante, at Xyriel Manabat mula sa direksiyon ni Deramas mula sa Star Cinema at Viva Films.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Vilma Santos Ed de Leon

Ate Vi dinalaw puntod ni Kuya Ed de Leon

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAG-IISA ka talaga ate Vi, ang ating minamahal na Star For …

Cristy Fermin Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Cristy kinuwestiyon si direk Darryl Yap; respeto sa kapwa iginiit

KONTRA si Cristy Fermin sa pagsasapelikula ni Darryl Yap ng The Rapists of Pepsi Paloma. Ang dahilan, tila gusto raw …

Dina Bonnevie Deogracias Victor DV Savellano

Asawa ni Dina na si DA Usec Victor pumanaw sa edad 65

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PUMANAW na ang asawa ng batikang aktres na si Dina …

Piolo Pascual Toni Gonzaga Toni Talks

Piolo Pascual 13 years nang single, ‘di naghahanap ng dyowa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio LABINGTATLONG TAON na palang walang dyowa si Piolo Pascual. Ito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *