Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trailer truck hinaydyak ng driver, pahinante

NAKITANG abandonado ang isang trailer truck at wala na ang tinatayang daan libong ha-laga ng sigarilyo matapos i-hijack ng sariling driver at pahinante sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kasalukuyang pinaghahanap ang driver ng truck na kinilalang si Jesel Bernalis at ang hindi pa nakikilalang pahinante.

Batay sa ulat ni SPO1 Marlon Adriano, dakong 5:30 a.m. nang matagpuan ang abandonadong truck sa C-3 Road, Brgy. 126 ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ng mga barangay tanod, napansin nila ang trailer truck (TXM-499) na may tatak na D. Fracisco Trucking, na umaandar ngunit wala namang tao.

Agad nilang ipinagbigay-alam sa mga awtoridad at nang buksan ang likuran ng truck ay nawawala na ang mga kargamento at wala na rin ang driver at pahinante nito.

Nabatid na galing sa pier ang trailer truck at nakatakdang i-deliver ang mga sigarilyo sa Marikina ngunit hindi ito nakarating doon.

Hindi na rin makontak ang cellphone ng driver kaya’t hinihinalang sangkot ang mga suspek sa nasabing nakawan.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …