Friday , November 15 2024

PNoy, planong ibagsak

PINATITINDI ng mga sangkot sa P10-B pork barrel scam ang pag-atake sa administras-yong Aquino sa pama-magitan ng pagbatikos sa iba’t ibang institus-yon ng gobyerno na nagsisiyasat sa kanilang katiwalian, na kung tagurian sa ikinakasang ‘destabilization plot’ ay yugto ng ‘target hardening.’

Kahit wala sa tono ay binabatikos ni Sen. Jinggoy Estrada ang Commission on Audit (COA) dahil  sa report na naging batayan sa pagsasampa ng kasong plunder sa kanya sa Ombudsman, kasama sina Sens. Juan Ponce-Enrile at Bong Revilla at Janet Lim-Napoles.

Pero hindi basta nanahimik si COA Chairman Grace Pulido-Tan sa mga walang basehang akusasyon sa kanya ni Estrada.

Ibinulgar ni Pulido-Tan na pag-upo pa lang sa Manila City Hall ng ama ng senador na si ousted president at convicted plunderer Joseph Estrada noong nakalipas na Hulyo ay humirit na agad sa kanya ang senador na ilagay ang ‘alaga’ niyang resident auditor sa Maynila.

Ano’ng personalidad mayroon si Jinggoy para brasuhin si Chairman Grace Pulido-Tan na palitan ang resident COA auditor sa Maynila, gayong hindi naman siya opisyal o alkalde ng lungsod? May nais ba silang pagtakpan?

Si Mayor Alfredo Lim ay may iniwang P1.5 bilyon sa kaban ng Maynila, bukod pa sa P88-M na savings mula sa PAGCOR shares ng lungsod, na duda ng marami ay gustong ‘maglaho’ ng mga Estrada kaya laging iginigiit na bangka-rote ang Maynila kahit wala naman silang ipina-kikitang dokumentadong basehan.

ANG SABWATAN AT PAAWA

EFFECT NI MANNY PACQUIAO

KUNG si Estrada ang tumitira sa COA, si Enrile naman ay gusto rin ‘hubaran ng kredibi-lidad’ ang Ombudsman nang obligahin niyang ila-bas ang memorandum na nagsasaad na siya ang utak ng P10-B pork barrel scam na lumabas sa isang pahayagan.

Pero hindi kinagat ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang ‘patibong’ ni Enrile kaya ang pinagdiskitahan ni “Tanda” ay si Sen. Miriam Defensor-Santiago na mahigpit niyang kritiko.

Kinukumbinsi kasi ni Santiago sina Napoles at Gigi Reyes, dati niyang chief of staff ni JPE, na tumestigo laban sa dating Senate president sa P10-B pork barrel  plunder case.

Kasabay nang pagbatikos sa COA at Ombudsman ay ang Bureau of Internal Revenue (BIR) naman na bumubusisi kung tugma ang ibinayad na buwis sa yaman ng mga sangkot sa multi-billion pork barrel scam.

Dahil bistado na ng madla ang baho ng mga taga-oposisyon kaya si Pacquiao ang inaakala nilang rallying point at poster boy para magtagumpay sila laban kay PNoy.

Dapat natin tandaan na si Jinggoy ay anak ni Erap, isa sa mga kinasuhan sa P10-B pork barrel scam.

May kinakaharap naman na disqualification case si Erap na hanggang ngayon ay nakatengga pa sa Supreme Court kaya ginagawa lahat ng paraan para hindi makulong si Jinggoy at hindi siya mapalayas sa Manila City Hall.

Pumaltos ang naunang pakana ni Erap na pagalitin ang Hong Kong laban kay Pangulong Aquino kaugnay sa Luneta hostage crisis kaya si Pacquiao naman ang sinusulsulan para labanan ang pamahalaan.

Maraming hindi tugma o inconsistencies sa mga pahayag ni Paquiao tungkol sa kinakaharap niyang usapin sa BIR na nagsimula pa sa panahon ng dati niyang kapanalig na si Gloria Macapagal Arroyo (2008-2009) kaya maliwanag na siya ang namumulitika at hindi ang administrasyong Aquino.

Bakit tumagal at hindi niya agad ito inasikaso? Dahil ba inaakala niyang porke kampeon siya sa boksing ay feeling untouchable na siya at iniisip niyang may utang na loob sa kanya ang buong Pilipinas kaya dapat siyang ibeybi?

Ang Top Rank agency at si Bob Arum pala na kanyang promoter ang nagkaltas ng buwis sa kinita niya at hindi siya ang personal na nagbayad sa Internal Revenue Service (IRS) ng Amerika.

Ano ang problema at nais itago ni Paquiao kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya mai-litaw ang orihinal na kopya ng sinasabi niyang pinagbayarang buwis sa America para sa taon 2008 at 2009?

Sa 35 bank accounts nila ni Jinky, 2 lang ang na-garnished na naglalaman ng P1.1 milyon. Ibig sabihin ba, sa ibang bansa itinatago, este, naka-deposito ang mga kinitang pera ni Paquiao?

Halata ang pagsisinungaling ni Paquiao nang itanong sa kanya ni Comm. Kim Henares kung talagang nangutang lang siya para may maipa-migay sa mga biktima ng bagyo. Dito niya biglang binago ang kanyang naunang pahayag.

Naiintindihan ba ni Pacquiao na bilang public official at isang mamamayan ay may obligasyon siya na ideklara ang totoong kinita, at magbayad ng tamang buwis sa gobyerno na parang ayaw yata niyang gawin?

Ang masama, naghahakot pa ng simpatiya para tularan siya na suwayin din ng publiko ang BIR at batikusin ang administrasyong Aquino.

Kating-kati na sila na mapatalsik si Pangulong Aquino at baka sakaling mailuklok nila sa Palasyo si Vice President Jejomar Binay upang maipagpatuloy ang kanilang paghahari-harian at paggahasa sa kaban ng bayan, at iabsuwelto ang lahat ng mandarambong na kapanalig nila, pati si GMA.

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *