Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Motorsiklo ipinatubos 2 karnaper arestado

ARESTADO ang dalawang suspek sa carnapping makaraang ipatubos ang motorsiklo na kanilang ninakaw mula sa kaibigan sa Poblacion, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Joey Boy Colangoy, 29, ng Brgy. San Vicente, Sta. Maria at Gener Santos, 34, ng Brgy. Caingin, Bocaue, kapwa sa nabanggit na lalawigan.

Sa ulat ng pulisya, angkas ng biktimang si Adrian Marquez, 34, ang suspek na si Colangoy nang magkayayaan silang kumain dakong 7:30 p.m. kaya ipinarada ang sasakyan sa parking area.

Habang hinihintay ang kanilang order ay nagpaalam si Colangoy na maglo-load ng cellphone. Ngunit pagkatapos kumain ay hindi na natagpuan sa lugar ang motorsiklo.

Nagpasama ang biktima kay Colangoy sa himpilan ng pulisya ngunit imbes samahan ay kinontak ng suspek si Santos sa cellphone. Ipinatutubos naman ni Santos kay Marquez ang motorsiklo sa halagang P20,000.

Matapos magbigay ng paunang P5,000 ang biktima kay Colangoy ay lihim na nakipag-ugnayan si Marquez sa himpilan ng pulisya.

Sa inilatag na operasyon ng mga awtoridad ay agad nadakip ang dalawang suspek.    (DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …