HUSTISYA ang hinihingi ng pamilya ng isang nanay na hindi agad naasikaso sa pangananak sa isang lying-in clinic sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktimang si Genalyn Enriquez, 25, ng Don Pedro Subdivision, Brgy. Marulas, Valenzuela City at ang sanggol na nasa sinapupunan.
Sa salaysay ng kapatid na si Grace, 27, dakong 8:00 ng umaga kamakalawa nang dalhin niya ang kanyang kapatid sa Cordero Lying–in Clinic na matatagpuan sa 3rd Avenue, Grace Park ng nasabing lungsod. Isang Dr. Cordero umano ang nagsabing aabutin pa ng hapon bago manganak ang biktima kaya pinayuhang maglakad-lakad para mapadali ang panganganak.
Hindi pa nakalalayo ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan ang ginang kaya muling nagpatingin sa doktor.
Ipinasok sa delivery room ang ginang pero ilang sandali lang ay sinabi ng mga doktor na mahihirapan manganak ang pasyente kaya kailangan ilipat sa ibang ospital.
Dito nila nalamang patay na ang sanggol at pinapipili ng ospital na mura ang gastos gayonman napilitang dalhin sa Chinese General Hospital dahil marami nang dugo ang nawala sa pasyente. (r. sales)