IT was a very emotional John ‘Universal Sweet’ Lapuz na naghayag ng kanyang mga saloobin para sa kaibigang si Pokwang sa press conference ng bagong proyekto ng Star Cinema at Starlight Productions na Call Center Girl.
Sa pakiwari raw kasi ni Sweet, ito na ‘yung proyektong masasabing ang Tanging Ina, Petrang Kabayo, at Kimmydora ni Pokie. Rito na nga nabansagan ng kanyang direktor na si Don Cuaresmana na si Pokie ang maituturing na “IT” girl ng comedy ngayon.
At nagkakaisa na rin ang kanyang co-stars sa pagsasabing it’s high time na mag-shine na siya rito sa pelikulang ito.
Marami ang tiyak makare-relate sa istorya ng isang inang para mapalapit sa anak niya eh, pinasok literally ang trabaho nito bilang isang call center agent para mailapit ang loob nila sa isa’t isa pero naging disaster lang.
Mahal na mahal daw kasi ni Sweet si Pokie kaya ramdam niya na sa pagkakataong ito, panahon naman na para mas mapansin na si Pokie sa kanyang muling pagbibida.
Eh, kinumusta rin namin ang naudlot na pagbibida ni Sweet. At sabi nga, naunahan pa siya ng kapwa niya Viva artist na si Joey Paras sa pagbibida!
Emosyonal din si Sweet sa paglalahad ng kanyang nabantilawang pagbibida sa Viva.
“Hindi na ako umaasa. Mag-e-expire na ang contract ko for 2 pictures. Ayoko rin naman manisi. Sila naman ang nagsabi niyon ‘di ba? Na gagawin akong bida. Mabait na tao rin naman si Joey and he deserves it. So itong ‘Girl Boy Bakla Tomboy nga dapat. Maraming nangyayari. In-extend naman nila contract ko ‘til June. May gagawin pa rin naman with Star Cinema. Hintayin ko na lang dumating. May nagbibiro nga sa akin dapat daw bayaran pa rin ako kahit hindi natutuloy ‘yung mga dapat na gawin ko. Malungkot lang ako. Ingrato naman ako kapag sumama pa ang loob ko. I dont want to burn bridges. Nai-stress lang kasi ako kapag tinatanong ako tungkol d’yan sa pagbibida na ‘yan. Eh, hindi ako inggitera kaya siguro I felt so much for my friend Pokie. Iniisip ko na lang na siguro, hindi pa para sa akin ang project na ‘yun. Not destined. Kahit inisip ‘yun para sa akin ni Mel del Rosario. In-explain lang na kailangan gawin na. Kaya ayoko na manghinayang.”
Sabi rin ni Sweet-malamang na epekto ito ng pagiging jet-lagged niya mula sa tour nila sa US and Canada na nagiging balintuwad ang ikot ng kanyang oras.
Pero may sense naman na malungkot siya, manghinayang, maging emosyonal lalo at kapalaran nila ng bff niyang si Pokwang ang pinagtutuunan niya ng pansin.
Who are we gonna call then?
Pilar Mateo