Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pictorial ni Marian sa GSM, mas sexier at bolder

KINUHA muli ng Ginebra San Miguel bilang 2014 calendar girl si Marian Rivera pagkalipas ng limang taon at sa press launch ay ipinakita rin sa entertainment press ang tatlong sexy photos ng aktres na gagamitin sa calendar na ire-release para sa 180th anniversary ng nasabing inumin.

Mapangahas ang nasabing pictorial ni Marian dahil sexier, bolder, at daring para sa bagong kalendaryo na hindi tulad noong nauna siyang kunin—2009, na medyo conservative pa.

Samantala, pagkatapos ng Q and A ay napag-usapan ang ibang isyu na intriga sa boyfriend niya sa pagkakapili bilang  NCAA (National Commission for the Culture and the Arts) Youth Ambassador.

Kinukuwestiyon daw kung bakit daw ang aktor ang napili.

“Hindi ko rin alam kung nasa posisyon ako para sagutin ang mga ‘yan pero nagtitiwala ako na inilagay ang bawa artista o nakaposisyon diyan dahil may kinalaman sila riyan at dahil alam nila na makatutulong. At imbes na husgahan natin sila, suportahan na lang natin sila,” katwiran ng aktres.

Napunta rin ang usapan na mas kumita raw ang pelikula ni Dingdong  Dantes sa Star Cinema naShe’s The One kasama si Bea Alonzo kompara sa pelikula nila ni Ai Ai de las Alas na Kung Fu Divas.

“Okay lang, ganoon talaga ang buhay. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, eh kailangang blockbuster ka.

“Ang importante eh masaya kami ni ate Ai-ai, kami ng mga direktor kung anuman ang income at may mga taga-ibang bansa na gustong kunin ang pelikula namin at aaminin ko na kumita kami, hindi nga lang ganoon kalaki,” pag-amin ng dalaga.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …