Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

My Little Bossings, tiyak na mangunguna sa MMFF 2013

UMPISA pa lang ng shooting ng My Little Bossings, nasabi na naming tiyak na papatok ang pelikulang ito na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Kris Aquino. Pero ang tiyak na kagigiliwan at magugustuhan ng manonood ay ang tambalan ng dalawang bagets, sina Ryzza Mae Dizon at James “Bimby” Aquino Yap. Kitang-kita kasi agad ang kakaibang chemistry sa dalawa.

Kaya naman hindi maiaalis na ngayon pa lang, marami na ang nagsasabing ang pelikulang ito ang tiyak na mangunguna sa takilya sa darating na Metro Manila Film Festival.

Kaya naman tiniyak ng mga prodyuser ng pelikulang ito, ang OctoArts Films, M-Zet Films, APT Entertainment, at Kris Aquino Productions na maganda ang kanilang pelikula. Hindi lamang ito heartwarming quality movie pero may matututuhang leksiyon sa buhay maging bata man o matanda. Sa kabuuan, ang pelikulang ito ay tiyak na magugustuhan at mae-enjoy ng buong pamilya dahil punumpuno ng humor, wit, at katatawanan.

Kahit ang director nitong si Marlon Rivera ay kinakitaan agad ng chemistry sina Ryzza Mae at Bimby simula pa lang nilang mag-shooting.

“Ryzza does not speak much English while Bimby does not speak much Tagalog. Sobrang cute nila lalo na kapag nag-uusap na silang dalawa. Sa bandang huli, Ryzza ends up teaching Bimby Tagalog words while Bimby teaches Ryzza English words,” kuwento ni Boss Orly Ilacad ng OctoArts Films.

Sinabi naman ni Boss Orly na ang outstanding chemistry ng dalawang bata ang tiyak na nakadagdag-excitement sa mga manonood. “This is perhaps the reason why there is much excitement about the movie this early. We’re very happy with the public’s curiosity for the two child superstars,” giit niya.

Masaya naman si Vic sa kinalabasan ng kanilang pelikula. Aniya, “Nakakatuwa talaga ‘yung dalawang bata. They complement each other so well. You can see that when you watch the movie. Nagtuturuan, nagtatawanan, sabay napapagod, sabay nagugutom. Masaya lang kami sa set. Para lang kaming laging naglalaro.”

Sa kabilang banda, sobrang suporta ang ibinigay ni Kris sa kauna-unahang pelikula ng kanyang anak. Very hands on nga raw si Kris bilang producer. Tinitiyak kasi nito na lahat ng kailangan ni Bimby sa shooting ay naroon na at naibibigay. Nag-hire pa nga ito ng sariling stylist at make-up artist para lamang kay Bimby. Kaya naman mukhang elegante, guwapong-guwapo, at napaka-cute ni Bimby bilang ginagampanan niya ang isang mayamang bata sa pelikula.

Kasama rin sa My Little Bossings sina Aiza Seguerra, Jaclyn Jose, Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Barbie Forteza, Neil Coleta, at Neil Sese. Mula ito sa story at screenplay ni Bibeth Orteza.

Sa pelikula’y ginagampanan ni Vic ang role ni Torky Villanueva na isang bookeper ng isang millionaire cash management specialist na si Baba Atienza (Kris). Dahil sa ilang problema sa negosyo, ipinagkatiwala muna niya si Justin (Bimby) kay Torky dahil sa pangamba sa kanyang buhay. Kasama naman ni Torky sa bahay ang kanyang pamangking si Ice (Aiza) na aktibo sa pagtulong sa mga batang lansangan. Sa pagsasara ng bahay ampunan, iniuwi niya si Ching (Ryzza) sa kanilang tahanan. At doon na nagsimula ang masaya at magulong pamumuhay nang magsama-sama ang mga ito sa iisang bubong.

Mapapanood ang My Little Bossings sa araw mismo ng Pasko, December 25.
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …