Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-inang Daniel, laging bukas-palad sa mga nangangailangan

BILIB kami sa mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla dahil pinakiusapan nila ang Kath Niel supporters na kung puwedeng mag-donate ng anumang bagay na puwedeng makatulong sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda sa Visayas.

Taga-Tacloban, Leyte ang ina ng batang aktor kaya’t aligaga sa paghingi ng tulong para sa mga kababayan.

Hindi naman nabigo ang mag-inang Karla at Daniel dahil bumuhos ang tulong na ipinadala sa kanila, ang naging problema lang ay hindi madala ng aktres ang mga relief goods dahil sira-sira ang mga daan patungo sa bayan niya.

Parang bukas palad ang mag-ina pagdating sa mga taong nangangailangan at tanda naming kuwento ng common friend namin ni Karla na maski raw walang pera pa noon ang aktres ay nagagawa pa rin nitong mag-share ng anumang mayroon siya.

Marami namang nakararating na kuwento sa amin tungkol sa pagtulong na ginagawa ng mag-ina na hindi lang nasusulat kaya’t hindi kami magtataka kung sobrang blessed sila.

Kaya naman lahat ng project din ni Daniel ay parating wagi lalo na ang seryeng Got To Believe na nangunguna sa ratings game kasunod ng Honesto.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …