Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald, mas palaban na ngayon!

NAKAPANGHIHINAYANG at magtatapos na ngayong gabi ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Dawn Zulueta, Cristine Reyes, Rayver Cruz at marami pang iba.

Gandang-ganda kasi ako sa takbo ng istorya nito dahil siguro ito’y ukol sa pagmamahal ng isang ana sa kanyang anak.

Samantala, inamin ni Gerald na naging mas palaban na siya sa buhay dahil sa karanasang pinagsaluhan nila ng kanyang karakter sa top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN.

“Dahil sa mga pinagdaanan ni Miguel, mas na-realize kong kahit napakahirap ng sitwasyon at kahit marami kang kalaban, huwag na huwag kang susuko,” ani Gerald kaugnay ng karakter niyang nakulong sa kasalanang hindi niya ginawa.

Nalantad na ang katotohanang si Marcus (Rayver) ang tunay na nanggahasa kay Carla (Diana Zubiri), makamit na kaya nina Miguel at Zenaida (Dawn) ang inaasam na hustisya para sa kanilang pamilya? Anong ‘pasabog’ ang gugulat sa mga pamilya nina Zenaida at Victoria (Dina Bonnevie) na babago sa takbo ng buhay nila?

Huwag palampasin ang pagtatapos na hindi dapat pakawalan ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin, pagkatapos ng Maria Mercedes sa ABS-CBN Primetime Bida.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …